Tambayan Zone > Pinoy Lifestyle
Ano mga namimiss mo nung bata ka pa?
(1/209) > >>
dawnwel: 06-16-13 04:30 AM
Lalo na yung mga batang 90s dyan, dito tayo magbalik tanaw..

namimiss ko nung bata ako?
syempre wala akong problema nun, ngayon sandamakmak na.
swetkOrn: 06-18-13 03:35 PM
Yung buo pa kaming pamilya na magkakasama. 
demine1221: 06-18-13 05:16 PM
magfishing sa ilog, mountain climbing at maging bata ulit. . Nakakamis
xiobabs14: 06-18-13 08:24 PM
papa ko ..
acatzk: 06-18-13 08:31 PM
1992 - miss ko gumala.
dawnwel: 06-18-13 10:04 PM
Nakakalungkot pala tong topic ko, sarap magreminisce.
laine29: 06-18-13 10:49 PM
Posted by: dawnwel on 06-16-13 04:30 AM
Lalo na yung mga batang 90s dyan, dito tayo magbalik tanaw..

namimiss ko nung bata ako?
syempre wala akong problema nun, ngayon sandamakmak na.
tama ka,sarap nung bata pa ko,namimiss ko yung mga friends ko at kalaro ko.
sharknaruto92: 06-18-13 11:56 PM
namimiss ko mga old friends ko lalo na sa province napwedeng gumala kahit san mapa gubat o dagat daming pwedeng gawin, hindi tulad dito sa city pollution :[
Shayy: 06-19-13 12:01 AM
Namimiss ko nung bata ako yung laging nasusunod yung gusto ko. Haha tsaka namimiss ko makapag laro ng chinese garter
dawnwel: 06-19-13 06:09 AM
Nakakamis magpiko at 10-20.. tsaka tayaan at patintero pati sikyo.
xiobabs14: 06-19-13 07:29 AM
i miss my dad di ko man lang siya nakasama matagal
sniferblind04: 06-19-13 07:58 PM
namimiz ko magteks at jolen., moro moro at patintero., saka mga kalaro ko.. at saka pag tambay namin twing gabi at nagkekwentuhan...
gemgracious: 06-21-13 06:16 AM
mamimiss ko yung mga kalaro, o kaibigan kung hindi plastik

ngayon kasi hindi mo malaman kung sinong totoo
at sinong hindi
redkingmaku: 06-21-13 02:11 PM
mga ka close mo nung bata pa ko, ngayon hindi na' dedma nalang pag dumadaan
rygart_sigyn: 06-21-13 03:37 PM
nakakamiss maglaro ng beyblade,tamiya at yugioh cards tahaha
Pages: [1] 2 3 4 ... 209
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.061