Tambayan Zone > Arts and Literature
PiNOYDEN HORROR THREAD™
(1/5) > >>
LeizeLwho: 05-12-15 09:42 PM
Buhayin natin ang dating thread ni riloseosa. Nailock ang unang thread dahil sa spamming. Lagyan na lang po natin ng rules para maiwasan ang ganitong pangyayari

--RULES--
* Ang thread na ito ay para sa pagsi share ng katatakutang kwento, mga articles, short stories, videos or pictures
* Iwasan po natin ang pagi spam. Pagpopost ng maiikling reply na walang intensyong makibagay sa thread. (e.g ayos, posting smileys only, etc.)
* iwasan nating gawing personal chat room. may tamang board po para sa nagliligawan at nagkakaasaran
* icopy paste natin sa thread ang anumang kwentong galing sa labas ng forum imbes na link lamang. dahil ang layon nito ay magshare ng mga nakakatakot na storya.
* lagi pong igalang ang bawat isa. iwasan po magmura


Ipaste ko na rin ang intro ng dating ts:
Quote:
Mga Basic na kaalaman tungkol sa Multo/Ghost/entity/spirit

Mga uri ng multo

Residuals: These beings are not sentient. Meaning they are not capable of interacting with the living . These apparitions seem to be more like recordings on the environment. They typically do the same thing at regular intervals (ie, and apparition that appears every year on the anniversary of it’s death to “relive” the accident at the location of the tragedy).

2) Active Hauntings: Active refers to their ability to interact with the living. “Haunting” suggests that they are bound to a specific location (house, school, hospital, cemetery, etc).

3) Free Roaming Entities: Just as the
name suggests, these are spirits who are not bound to one location (but are bound to this earth). They are able to interact with the living. These ones are the reason that many ghost hunters state aloud that no spirits are allowed to follow
them home (because these ones can...)

4) Informers: These spirits tend to only appear a few times (maybe only once), or as many times as it take to get you to get your head out of your butt and pay attention to them. They seem to be here for one of two reasons,
1) to try to get your help (like to find their body or help solve their murder), or
2) to give you a message that you to help you in some way. If you want them to go away, get over your fear and listen to them, otherwise they will keep showing up until you do.

5) P.O.G’s (Pissed Off Ghosts): These are spirits who were generally nasty to everyone around them in life and have continued to be a royal pain in peoples backsides in death as well. Due to the anger they have, they are usually stronger than most other spirits (or at least more willing to show off what they can do). They tend to lash out at whoever annoys
them, and it usually doesn’t take much to annoy them. However, most will not do any permanent damage to you (if any at all, other than instill a whole bunch of fear). However, these ones can hurt you
if the conditions are right. You will usually know before this happens though. One major sign is a dramatic temperature drop. This is a good indication that you should be moving on. I have also heard
that there is a change in barometric
pressure just before a spirit gets violent. I cannot verify this, however, as I have not witnessed this myself.

6) Diabolicals: This is a touchy subject because this usually gets into the realm of religious belief. Most western religions call them “Demons”, Islamic religions call
them “Djin”, Celtic beliefs call them
“Elementals”. Whatever you believe in, these entities have never been human and therefore cannot really be called “ghosts”. They are mean and powerful and will usually disguise themselves to hide their intentions (at first). It is STRONGLY recommended that you do not
attempt to study this type of entity unless you are a seasoned investigator. Even then you should have some pretty strong spiritual assistance for these ones.

7) Shadow People: It is a common belief that these being are not ghosts. Even though a tremendous amount of fear is reported when dealing with these beings. Some say they are inter-dimensional beings, others say that they are just a different type of “diabolical”. So little is known about these being that this is all just speculation and conjecture. Moving shadows are seen all the time, but these are not “shadow people”. The Shadow person phenomenon is very specific. They seem to step out of the “shadows” and solidify right before you, becoming a 3-D shadow. I hope to be able to “shed some
light” on the subject of shadow people (bad pun intended).

Para Makaiwas sa multo sa pang-araw araw na buhay mo.

1. pag pupunta ka daw or bibisita for the 1st time sa ibang bahay, lagi ka daw kumatok or kahit pinatuloy ka na ng may-ari, pilitin mong kumatok ng patago or kahit mahina lang...dahil sign daw ito na ipinapaalam mo sa mga spirits don
(kung sakaling meron) na humihingi ka ng permiso na tumuloy sa bahay. Iwas narin ito para di maatract sayo yung spirits at sumama sayo pag-
uwi mo.

2.wag na wag mo daw gagawin na
harangan yung pinto ng isang bahay na di sayo, pag papasok
ka daw, lagi sa gilid, dahil madalas daw na ang mga multo, pag may bisita silang iba, madalas na sinasalubong nila mismo sa pinto ang papasok para lumabas, pag hinarangan mo daw yung pinto, at nadaanan ang pisikal mong katawan, pag naramdaman ng multo na mahina ang energy mo, pwede silang sumama sayo pag-uwi mo. meaning dapat lagi ka sa rightside or leftside ng pinto dadaan, ngayon magkakaron ng space yung pinto para dun naman makalabas yung multo at the same time, dahil mahilig nga silang sumabay, meaning papasok ka, sila naman lalabas at the same time.
3.wag mong iiwan o ayusin ang tsinelas o sapatos mo na pareho ang direksyon, meaning na dapat magkasalungat, para ang
papasok na multo eh susundan nya yung direction ng sapatos mo at lalabas din.

4. iwasang magsuot ng pula at itim na mga damit, mas malakas daw maka-atract to ng negative energy

5.iwasang matulog na nakatapat sayo ang salamin para di ka magaptripan ng mapaglarong espiritu

6. Iwasang ayusin sandals bago matulog ng pantay...mas maganda kung magulo

7. Sa CR, iwasang tumingin sa salamin ng ibang bahay...insulto daw ito sa mga multo, magflush ng inidoro bago mo gamitin at flush mo ulit pagkatapos mong gamitin.


Pag nararanasan mo na minumulto ka.
1. Hayaan mo lang, wag mong ipakita ang reaksyon mo na natatakot o naaapektuhan ka,
ang mga multo daw ay walang kakayahan basahin ang isip at puso mo. Lahat ng impormasyon na nakukuha nila ay batay sa mismong sinasabi mo at mga reaksyon mo, wala din silang kaalaman hinggil sa future ng isang tao.

2. Pag may kakaiba ka daw na naramdaman, tulad ng pagbukas ng gripo, pinto, yabag ng paa, or ano mang ingay o amoy ng isang bagay..mas mabuti na gawan mo ng ibang
kwento..halimbawa,pag bumukas ang gripo, sabihin mo agad "langhiyang gripo to, sira na naman" o kaya nakarinig ng yabag ng isang tao pero wala namang tao don, maaaring gawin ay magtunog pusa ka rin o sabihing "meow", or bugawin mo na kunyari totoong pusa iyon..huwag mong ipapakita
na nararamdaman mo sila.
pinakamagandang gawin ay wag mo
nalang intindihin or ignore mo nalang.

3. Minsan daw ang mga mapaglarong multo, madalas mahilig tumayo yan sa likod mo, at pilit nilang pinaparamdam sayo ang presence nila na nandon sila sa tabi mo..pag nakakaramdam ng ganito, wag mong ipakita sa kanila na nararamdaman mo sila, or ang
pinakamagandang gawin hanggat maaari na ang likod mo ay lagi malapit sa pader, o iwasang magkaron ng espasyo sa likod mo.

4.Pag may nararamdaman kang kakaiba, iwasang ayusin ang mga bagay na tulad ng suklay, sandals, unan, o nakatiklop na kumot
magandang gawin ay ikalat ang suklay, maglabas ng baso at hayaan lang sa ibabaw ng mesa..gustong gusto daw ng mga multo na guluhin ang mga bagay na yan pag maayos.

5.Wag kang matutulog ng mag-isa sa
isang kwarto or bahay na minumulto or iwasang humiga at matulog sa kama na may space sa gilid..ang sutil na multo eh pwede kang paglaruan at tabihan, lalo na na pag may unang nakahanda sa tabi mo na para bang meron ding natutulog don sa tabi mo. Nagpapakita lang ito na inaanyayahan mo ang multo.

6. Pag malakas masyado ang pagpaparamdam ng isang multo, hindi na to pagpaparamdam kundi nais ka nang guluhin mismo ng multong ito Ang magandang gawin, hanggat maari, umalis sa lugar na iyon, itali ang mag pinto
na nakabukas, buksan ang mga bintana, alisin ang mga kurtina, or pag mas worst pa don eh tumawag ng saklolo or magsisisigaw para makagawa ng ingay.

7. Iwasang magsulat ng di tapos na note sa isang papel at iwan ito kung saan.


Kung nais mong makaramdam ng multo
1. Paniwalaan mo sila at irespeto, sila ay katulad natin na umiiral sa ibang dimensyon

2. Ang ability para maramdaman mo sila ay tulad din ng ating 5 senses, Ang "six sense" na tinatawag ay General Terms na ginagamit ng taong meron nito ang katotohanan ay, iba-iba din ang ability ng may six sense, tulad ng:

May mga tao na:

a. Nakikita nya mismo ang itsura ng entity sa pamamagitan ng kanyang 3rd eye
b. Naririnig lang ang mag tunog na likha ng entity tulad ng ungol, yabag, o ano mang ingay na nagmumula sa multo.
c. Nakakaamoy ng kakaibang amoy or familiar na amoy, tulad ng pabango na madalas gamitin ng yumaong kamag-anak, amoy ng
patay na hayop, etc
d. pisikal na nararamdaman ng iyong katawan tulad ng parang may malamig na sumalubong sayo or nakakaramdam ng panlalamig kahit mainit ang panahon,or parang hinipo ka o tinapik pero wala naman ibang tao na kasama mo na gagawa sayo non. at mga kaparehong mga bagay.
3.Ang bawat indibidwal ay may natural na kakayahan sa isa sa mga nabanggit, hindi lang natin ito gaanong napapansin dahil mas lagi tayong naka rely sa ating mismong 5 pangunahing senses,minsan
kahit aktuwal na nararanasan na natin ito pero madalas lang natin na
napagkakamalan ito ay normal lang,
minsan kaylangan pang i-practice ang "otherside" na senses mo para magamit mo ng maayos.
4. May mga tao na pwedeng tumulong sayo about sa "gift or otherside na senses" mo para magamit mo ng maayos, merong
mga ritwal na ginagawa para dito.
5. Malaki ang posibilidad na maopen ang "other senses" mo pag ikaw ay nasa state na sobrang nanlulumo o nalulungkot or
depressed. dahil dito nagseseparate ang 5 pangunahing senses mo sa special na senses mo dahil merong special na enerhiya na nabubuo sa pagkatao mo.
6. Ang special gift o senses na to ay maari ding ipasarado ng temporary sa mga taong gumagawa nito. May ritwal din para dito.


General Rules para makaiwas sa mga
Entity na to.
1. Igalang ang paniniwala ng iba hinggil dito.

2. Huwag mong halungkatin o piliting alamin ang mga bagay na beyond sa iyong kaalaman, lalo na sa taong nakakaranas mismo nito
(ikaw rin baka magsisi ka)

3.Mas magandang umiwas nalang sa
thread na to kung ayaw mong
maapektuhan ang iyong buhay. joke

takutan na!
nekorb_28: 05-17-15 10:22 AM
katakot naman
vocidol: 05-22-15 11:13 AM
dati samen tulog na tatay ko at utol ko kami nalang dalawa nanunuod ni nanay ng tv ng may bigalang may kumatok sa pinto na ubod ng hina kala ko ako lang nakarinig nagkatinginan kami ng nanay ko pati rin sya narinig din nya. tinanong ko kung sino iyon pero wala naman sumagot baka lang siguro may sumagi lang sa pinto na kung anong bagay. nagulat kami ng may kumatok ulit. binuksan ko agad yung pinto pero wala namang tao. just incase naman yun at nantrip wala rin sya mapag tataguan saka dali dalu ko agad binuksan yung pinto kaya wala syang time para makapag tago agad.

sumunod na gabi, nanunuod ulit kami ng tv this time gising pa yung tatay ko so bale 3 pa kaming gising. habang nanunuod kami ng tv may kumatok ulit sa pinto medyo weird lang kasi kaming dalawa lang ng nanay ko yung nakarinig. yung erpat ko parang wala yatang narinig nakatutok lang sa tv. tinanong namin kung may naninig din sya eh wala naman daw. maya maya pa konti tulog na tatay ko kami nalang gising ng nanay ko ng may biglang may kumatok nanaman ulit this time dali dali ko ng sinilip agad sa bintana pero wala talagang tao. incase man nagtago sya syempre tatakbo yun eh wala naman ako narinig na biglaang takbo saka isa pa wala rin syabg time para maka pagtago kasi sigundo lang yung pagitan.

hanggang ngayon pala isipan parin saken yun. ako naman kasi di naman ako naniniwala sa multo or aswang. pero kinikilabutan talaga ako pag nag kwento yung tatay ko sa about sa mga katakut takot na karanasan nya bext time ko na ishare.
LeizeLwho: 05-22-15 08:07 PM
may ganyan din ako experience. sabi nila kapag may kumatok, kumatok ka rin parang ibinabalik mo yun pagpapaalam ng kumakatok dapat di niyo binuksan yung pinto
vocidol: 05-23-15 11:16 AM
may nabasa nga ako pag may kumatok tapos wala naman tao posible daw na elemento yun na nangunguha ng kaluluwa.
LeizeLwho: 05-23-15 12:04 PM
sa Baguio marami ako natirhan sa may downtown dati, marami nagpaparamdam. gaya nun mga kaluskos sa kusina. kapag sinilip namin, biglang tatahimik. lagi din kami nawawalan ng gamit, kaming magboardmates. akala ko nga noon ang nangungupit yun may ari ng bshay kasi may susi sya ng kwarto. pero pag lumilipas ang araw, bigla na lang susulpot yun nawalang gamit, sa ibang lugar ng bahay.

next time share ko ng buo experience ko. sana may iba pang magshare.
nekorb_28: 05-23-15 04:27 PM
katakot naman
vocidol: 05-23-15 09:21 PM
about din sa baguio. bago kami mag field trip nun, binalaan muna kami ng isa kong teacher na irespeto ang lugar at kultura doon lalu na sa mga katutubo dun kasi may mga abilidad daw sila mangkulam at mangbarang. may kinuwento sya nung student palang sya may field trip sila nun sa baguio din tapos may isang grupo na magbabarkada na student na malakas mang trip yung puro laging kalokohan lang alam. alam naman naten pag katutubo medyo kakatuwa tignan may nadaanan silang ganun tapos parang nilait lait yata yung itsura nila tapos matindi yung isa yung pinaka notorious yun yata yung tumatayong leader ng grupo mas matindi yata yung ginawa nya, may isang katutubo dun na hindi talaga nagustuhan yung ginawa nya. then pag uwi daw galing field trip mga ilang araw lang nakalipas nagkaroon ng malubhang karamdaman yung leader ng grupo. tapos habang lumilipas yung panahon parang nag iiba na yung itsura nito para na daw bangkay kahit buhay pa. then isang araw namatay yung lalaki. isang araw palang nakaburol may nakita daw sakanya na kung ano anong insekto na lumalabas sa ibat ibang parte ng katawan nito. before pa namatay yung lalaki pinatawas daw yun at napag alaman daw na nabarang daw yung lalaki.

kaya yun medyo natakot din ako. kaya nung nag field trip na kami sa baguio, lahat kami behave hahah.
LeizeLwho: 05-23-15 11:20 PM
malakas yun mga igorot kasi. kaya nilang pumatay ng di dumadanak ang dugo. nag kakanyaw sila. parte ng kultura nila yon, may ritwal silang ginagawa at mahirap daw kontrahin yun. minsan nga yun mga nababasted o naloloko na katribu nila, pinaghihigantian talaga nila.

anyway ito experience ko in actual sa Baguio.

2007 yun nun una ako tumira, graduating ako ng college that time yun unang boarding house na tinirhan namin ng group mates ko sa thesis, sa bandang lower quarry. malapit sa brgy. hall. up and down yun bahay, yun kwarto namin dating garahe nun may ari ng bahay na taga Asingan. madalas wala yun may ari, caretaker niya ang nandoon, sa ilalim ng tinutuluyan namin nakatira. dalawang kwarto siya, may banyo at kusina. yun banyo papunta sa likod katapat ng pangalawang kwarto. bale may hallway doon. sa kwarto namin tabi ng salas, katapat ng gate mismo.

2nd day ko pa lang doon, may naramdaman agad akong kakaiba. naiwan kasi ako that time kasi namasyal group mates ko. mag isa ko sa bahay. may narinig akong parang naglalakad sa hallway, parang galing sa banyo. kako baka yun caretaker, kasi bakante yun kwarto sa kabila naisip ko baka may nagchi check para umupa. pagbukas ko ng pinto ng room, walang tao. di ko na lang pinansin. 4th day ko, naiwan uli ako mag isa sa bahay. medyo emo ako kasi umiiyak ako that time, namimiss ko fam ko kasi first time ko mapalayo nun habang umiiyak ako bigla ako natigilan. bigla ko kasi naenvision na may matandang lalakeng naka pajama sa ilalim ng double deck (sa taas ako nakahiga). 6th day, naiwan uli ako. this time sa kusina may nadirinig akong kalansing ng kutsara at mga kaserola. parang may kumakain at naghuhugas. pagsilip ko sa kusina bigla tumahimik. nun sinara ko yun pinto hala hayan na naman maingay na naman. binuksan ko pabigla yun pinto sa room, hayun nawala uli un ingay. kalmado lang ako nun, lumabas ako sa balcon sa likod (tapat ng bahay nun caretaker) nakita ko madami tao sa tapat, magkakatabi mga bahay tapos may lmalawak na drainage/daluyan ng tubig. dun ako nagstay hanggang dumating mga mates ko. kinwento ko sa katukayo ko yun experience ko, sanay kasi yun sa Baguio. eh sabi niya guni guni ko lang haha. lumipas ang ilang araw, nung yun mate kong yun ang naiwan sa bahay, naiwan siya at umabsent sa work kasi may sakit. nun gumsling na siya, kinabukasan sa office, kinuwento niya sa akin parang may naglalakad daw sa hallway. tapos nadinig daw niya may kalansing ng kubyertos sa kusina. yun time na yun natakot siya kaya siya nagtext sa akin. actually naghalf day ako kasi sabi niya nasuka daw siya may dugo pero echos lang pala yun. tinext niya ako para umuwi na agad kami kasi takot na takot na daw siya nun. yun dalawang kasama namin hindi pa rin naniniwala.

dumating yun araw binisita ako ng mama at tita ko, wala pang 24 hrs nagsabi agad sila "maglagay kayo ng asin dito sa mesa at sa kwarto. at wag niyo iiwang bukas yun pinto sa banyo at kwartong katapat dun." sinunod naman namin. bago sila umuwi, nagsabi tita ko, nun naiwan daw mama ko para magluto, narinig daw niyang may naglalakad sa hallway. tapos nun gabing yun, siya daw mismo ramdam niya yun yabag parang galing sa banyo papuntang kwarto. yun bahay kasi gawa sa kahoy yun flooring. eh sa sahig siya nakahiga kasi di kami kasya sa double deck. nakasapatos daw yun naglalakad. tapos kinabukasan daw habang nagaalmusal sila ni mama nakita daw ng tita may matandang lalake na nakapajama, nakatayo sa tabi ng double deck namin. naalala ko yun naenvision ko, wala ako nakwento sa kanila pero nangilabot ako nun narinig ko yun kwento ni tita bago sila umuwi.

dumaan ang christmas at new year, syempre umuwi kami. eh Jan.4, 2008 nagtext yun katukayo ko sabi emergency. nun tinawagan ko wala sumasagot. nagalala ako. nauna kasi sila umakyat sa Baguio. pagdating ko, yun isang mate ko lang ang nandun.

 sabi ko asan si katukayo, sabi niya di niya alam. nabginginig sya sa takot kasi di umuwi si katukayo sabi sa party lang pupunta. means naiwan siyang mag isa sa bahay whole night. habang kumakain kami, sinabi niya may naramdaman daw siyang naglalakad sa hallway. di raw siya pinatulog kasi maingay din daw sa kusina. ang ginawa daw niya di raw siya nagpatay ng ilaw. binuksan daw niya lahat pati yun ilaw sa hallway at banyo haha. sakto pagkakain, nun siesta na sa kwarto.. nagkatext kami ni katukayo. sabi nasa hospital sila ng mga pinsan niya. naharang pala sila ng frat. actually madami frat sa Baguio. napagkamalan daw na kasama nila yun kalaban nung frat sa likod nila habang pauwi bigla sila binato. tinamaan yun pinsan niya. kaya nasa hospital sila nun at sabi ko uwi na siya kasama ko si mama kasi nagalala sa kanila.

habang katext ko siya, may nagkukwentuhang nagiinuman na trabahador nun may ari ng bahay. ginagawa kasi yun bakod. eh dahil naririnig namin yun usapan, dun namin nalaman marami na palang napatay sa tapat ng garage (mismong tapat ng bintana ng room namin). sabi pa nung isa "grabe ano nun new yr dyan sa poste tinira yun lalake. ilang beses binaril. pang ilan na ba yun sa tinirada dyan". nagkatinginan kami lahat nun.. natakot si mama para sa amin. naisip niya paano kung lumusot yun bala, direcho sa akin yun kasi nasa taas ako ng double deck eh tabi ako ng bintana. same day nagdecide siya na lipat kami ng bahay, dun sa kamag anak namin. mapanganib daw kami doon. sabagay madami talaga frat din kasi sa lugar na yun. grupo grupo sila. sakto January 7 nakalipat kami ng bahay.

doon namin napagtanto, tama yun nakita ng tita noon. kasi nagkwento yun caretaker na yun dati nakatira doon isang pamilya tapos may matandang sakitin. kaya lang lumayas kasi di na nakakabayad tapos namatay yun matanda. mga 5 yrs daw nabakante yun bahay na yun. grabeng goosebumps tayo ang balahibo ko dun. kaya di ko makalimutan experience ko dun sa Baguio, lahat ng tinirhan ko may nagpaparamdam. bundok kasi yun. madami rin namatay sa lindol noon. kahit sa office may nagpaparamdam, di lang namin pinapansin. pag pinansin kasi lalong lalakas yun paramdam eh. pero ni minsan di ako nakakita ng literal. puro envisionment nangyayari tapos nakakagulat na totoo pala yun naimagine mo
vocidol: 05-24-15 10:51 AM
marami nga din nagkwento saken about baguio grabe rin yung mga igorot dun totoo palang malakas sila sa mga ganun. nabalitaan ko rin na marami ring frat dun. speking of double deck at mga bintana, may masama akong alala dyan. yun na yung pinaka nakakatakot kong alala sa lahat. actually naipost ko dito yun sa isang thread icopy paste ko nalang.

dun sa house namin may dalawang bintana, isang malaki which is the main window bale matatanaw dun yung garahe ng tatay ko at yung tricycle nya at isang maliit na bintana na parihaba which is the sub window, dun nakapwesto ang double deck na higaan namin mag utol matatanaw dun yung outside ng bahay namin na puro damuhan lang ang makikita. both windows hindi namin sinasara umaga or gabi. so bale sa double deck sa ibaba natutulog ang utol ko at ako namab sa itaas so bale ako yung katabi ng sub window namin na kapag bumangon ka eh kitang kita mo na ang likod bahay namin. yung double deck nayun katapat lang ng main window namin kaya tanaw din harapan ng bahay namin.

So ganito ang nangyari. ako kasi di naman ako naniniwala sa mga multo or aswang kahit maraming nagkekwento. isang gabi natulog ako sa itaas ng double deck nanaginip ako yung typical na panaginip lang wala naman kakaiba tapos nagulat ako ng biglang nagbago yung panaginip ko . dun sa panaginip ko nayun may nakita akong dalawang lalaking matanda na nakasuot ng pangpatay na nakaupo sa tricycle ng tatay ko pinapaalis ko sila ng biglang may dumungaw na kung ano sa bintana which is the main window parang manananggal yata yun. tapos ramdam ko na lakas ng kaba ko hanggang sa bigla akong nagising. di naman ako natakot sa panaginip ko. mas natakot ako nung nagising na ako kasi pagkagising ko pagdilat ko ng mata ko yung pwesto ko nakaharap pala ako sa bintana kung san matatanaw yung garahe at tricycle ng tatay ko grabe ang takot ko nun natulala ako sa sobrang takot. pakiramdam ko parang pinaglaruan yata ako pano nangyari ang ganun watta co-incidents. pag tapos nun sa takot nagtalukbong nalang ako ng kumot hindi nako nakatulog hinintay ko nalang mag umaga. mag 3am nangyari yun at hindi na talaga ako nakatulog nung nag umaga pa. simula nun di nako natulog sa itaas. tumabi nalang ako sa magulang ko at hindi ko na sa kanila ikinuwento yung nangyari. 11 years old lang ako nun hanggang ngayon diko parin talaga maklimutab. ako nalang ngayon magisa nakatira sa bahay at lagi na may kurtina yung main window para wala ako matanaw tuwing gabi at hindi narin nakapwesto yung double deck sa sub window before pa kasi nun parang may bumubulong saken at pakiramdam ko parang may nakatanaw lagi sa bintana nayun.
ryzen: 05-24-15 11:21 AM
share ko to base sa aking experience hating gabi na nun ako ay umiinom ng kwatro kwantos. . syempre may usong laro sinasabayan ko ng paglalaro ng clash of clan at umiinom ako mag isa sa balkon ng bahay ng pinsan ko. .gabi na kasi hinihintay ko ang war mag umpisa naka set kasi ang war schedule namin nun sa gabi mga 12 midnight na. . .habang nag lalaro ako tumingin ako sa may tapat ko.   nagulat ako may dumaan na item na anino at madilim sa pwesto na yun.   hugis tao talaga maitem na anino talaga. . . hinayaan ko lang kala ko namalik mata lang ako kasi subrang bilis ang pangyayari. . .

ikalawang araw.  .ganun din nag laro ulit ng clash of clan. . nasa kubo na din ako nun mga 12 midnight na din ako nag laro at hindi ako umiinom sa gabing yun. . nagulat ulit ako nung tumingin ako sa kaliwa ko.  . ang linaw na pangyayari na nakita ko. . nakita ko ulit na anino na dumaan ang item talaga at nakatayo at biglang tumakbo. . . . ang pinag tatakaan ko naka deploy lahat ng mga aso dito at gising sa gabi at kung tao man un bakit hindi sila tumahol.  . . dun na ako nag taka at nangilabot sa takot. . hindi naman ako takot sa mga multo pero dun ako nagulat. .
isang araw may kakilaka din kasi ako albularyo na sanay na sa mga maligno impakto at mga kakaibang mga spirits ang mga alam niya at nang gagamot siya sa may mga sakit. . .sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nakita ko. . .
sinabi niya na mahirap daw kalabanin ang anino na item dahil hindi mo daw sila nakikita pag sa dilim. . ang laban lang daw dun lagyan mo ng holy water sa mga gilid gilid ng bahay niyo para hinfi na ulit mangloko or mag paramdam. .

sana nagustohan niyo tong na experience ko. . salamat may next din ako kwento ulit
LeizeLwho: 05-24-15 02:43 PM
salamat vocidol at ryzen sa pagshare ng experience

sabi nga nila masama magpwesto ng double deck sa tabi ng bintana. pero halos lahat ng tinirhan ko, kahit yun mismong kama ko sa bahay namin eh tabi ng bintana naka pwesto ang kama.

mahirap daw kalaban ang elementong anino o itim, engkanto o masang ispirtu raw iyan naalala ko yun itim na anino na sikat sa UP Los Bańos, nafeature pa yun sa Magandang Gabi Bayan ni Noli de Castro. usually daw galing sila sa kabilang dimension. pero ewan ko ba kahit ako na di naman naniniwala eh nakakaramdam ng kaiba. iniisip ko nga baka influence lang sa kahiligan ko ng horror movies.

anyway ito yun experience ko sa nilipatan kong bahay after umalis sa Lower Quarry.

sa bandang apugan Poliwes kami lumipat. yun lugar, talagang padausdos pababa hanggang pailalim ng bundok. kaya pag dating sa bahay kitang kita yun mga bahay sa gilid gilid halos tabi ng bangin nakatayo. yun room namin naka pwesto sa 2nd floor kafloor namin yun dalawang boarders at isang pinsan ko bale apat na kwarto ang nasa 2nd flr. kamag anak ko yun may ari ng bahay. up and down siya. may nakatira sa basement sa ilalim ng ground floor, mga kamag anak ko rin. then sa atic (bubungan, tabi ng rooftop) mga boarders naman ang nakatira. yun pinsan ko na may ari, ground floor sila. mula sa room namin, kitang kita yun falls na may bakas ng landslide. pagtitingala ka sa left side parang nasa gilid ka lang ng bangin kasi makikita mo doon bahay ng mga igorot, talagang gilid ng bangin nakatirik yun bahay nila. pag dumungaw ka sa baba makikita mo naman may daan pa pababa kasi bubong ng elem. school yun nasa tapat sa baba sa right side. yun pinakatapat namin is bahay na may up and down din, yun bubong nila kalevel ng ground flr. namin. so imagine niyo yun lugar. pa ikot ikot pababa yun daanan. nasa gitna kami ng bangin pero di halata.

anyway, masaya naman yun 1st month namin doon. walang multo na nagpaparamdam. o siguro dahil busy kami sa ojt at thesis kaya di namin napapansin. heto na, nun February 2008, obligado kami bumalik ng town kasi ipipresent na namin yun thesis sa school. that time walang tao sa bahay, kasi yun caretaker si Ate Jen, mamamalengke. iniwan niya sa amin yun bahay. nakiusap pa na sa salas muna kami manood kung want namin para pag may tao mabubuksan agad yun pinto. so syempre bihira na kami makanood noon kaya sinamantala namin. tandang tanda ko pa, sa hbo kami nanood ng Kingkong eh yun group mate namin ni katukayo napaka arteng babae. pag naiihi gusto umakyat pa ng 2nd flr eh may banyo naman sa ground flr. nun unang akyat niya, tahimik lang ang paligid,  tunog lang ng tv ang maririnig. pangalawang akyat niya, matatapos na yun pinapanood namin.. nagalit yun katukayo ko kasi ang bigat daw ng hakbang niya sa hagdan (gawa sa kahoy yun hagdan at kahoy din yun sahig ng 2nd flr). nun pababa na si mate, nagkatinginan kami ni katukayo kasi parang may sumasabay kay mate hbang naglalakad pababa. yun tunog, nanggagaling sa kisame. bawat hakbang niya sa hagdan, same ang tunog sa kisame. paano nangyari yun eh hindi naman nakakonekta yun kisame sa taas namin dun sa hagdan lalo na sa middle part ng hagdan ang layo na sa kisame. sakto dunating si Ate Jen kaya nabalewala yun napansin namin. nakauwi na kami sa amin a day after that tapos di kami agad nakabalik kasi inabutan kami ng graduation. nakabalik kami doon April 2008.

nun time na yun nalipat yun room namin sa atic. inis na inis ako kasi nilipat kami walang abiso. super ginaw sa atic kasi purong kahoy yun sahig pati dingding tapos bubong talaga siya. pero wala na kami magagawa kasi may boarder naka stay sa dati namin room sa 2nd flr. bale tuwing ccr kelangan pa namin bumaba. nun time na yun nagkaroon kami ng bisita. yun nanay ng asawa ng caretaker namin. may kasamang bata. kasabay nila yun pamangkin kong babae na galing probinsya.since bakasyon naman kaya andun din siya. naka stay sila sa 2nd flr. tapos iisang kwarto silang tatlo kasi wala na bakante.

pangkaraniwang araw noon, nagluluto kami ng dinner napansin ko may napansin ako isang pinggan ng bigas na may asin dun sa mesa. sabi ko bakit may ganun.. tapos nagkwento yun boarder, sabi yun bata na kasama nung matabda, may nakita daw na maliit na tao nakahiga sa tabi ng pamangkin ko. sabi ko eh bakit nasa pinggan yun bigas? dapat isaboy yun kasi yun ang pamahiin ng mga Ilokano,bigas ang pantaboy ng spiritu. kaya pala nun gabing yun nakiusap yun pamangkin kong babae kung pwede siya tumabi sa akin sa atic. bale dalawa silang pamangkin ko nakitulog sa room namin. isang babae isang lalake kasi dalawa sila sa 2nd flr eh natakot.. kinabukasan nun habang bumibili ako sa tindahan kinamusta ako ng pinsan ko n nakatira sa basement. di nila kasi kasundo mga kamaganak ko sa bahay kasi nirereklamo nila maingay daw sila sa ground flr lalo kung gabi. nabanggit ko sa kanya yun pamangkin ko na natakot kasi may nakita daw na maliit na tao yun bisitang bata sa bahay. eh gulat ako sabi ng pinsan ko, may multo daw talaga sa bahay na bata.
 akala ko nagbibiro. idinagdag pa niya, matagal ng alam sa brgy na yun na may multong bata doon. nagpapakita raw lalo pag 3am naglalaro sa rooftop (sampayan namin ng mga damit) nakikita raw ng mga igorot sa gilid ng bangin mismong tuktok bahay namin. at meron din daw nagbigting lalake sa hagdan paakyat ng atic.

namutla ako nun nalaman ko yun. di ko agad sinabi sa mga kasama ko kasi baka matakot dahil natakot din sila sa dati naming tirahan. eh nun dumating na yun ibang boarders galing sa bakasyon at nalaman nila yun namgyari habang wala sila, bigla nagkwento yun isa.

noon daw 2 mos bago kami dumating doon (bagong lipat daw sila) ang nakatira daw doon sila ng pinsan niyang babae sa rm 2 ,dalawang boarder na lalake sa rm. 1, pmangkin kong lalake sa rm. 4 tapos bakante yun rm. 3 (naging rm namin) lahat iyan ay sa2nd flr. may boarder din isa pang babae sa ground flr. tapos 2 boys sa atic.

kapag madaling araw daw may naririnig silang talbog ng bola. parang nagdi dribble ng basketball sa bandang rooftop at sa rm.3.

minsan daw nun nagbrown out, lahat daw sila nasa 2nd flr. nagkukwentuhan sa rm. 2. akala nun girl na taga ground flr. andun pa yun kakwentuhan niya sa tabi niya. salita daw siya ng salita nun. eh bigla pumasok yun nagi stay sa rm na yun tinatanong sino kausap niya. sabi niya di ba ikaw? eh nakalabas na pala mga ilang minuto na. nagulat yun naiwan, eksakto naramdaman niya may tumulak sa kanya sa likod niya. nagtakbuan daw sila nun. eh tutal sila sila lang mga nandun, wala yun pinsan ko na may ari puro pamangkin namin, yun anak niya at boarders niya lang ang nandun tapos bakasyon yun caretaker. nagkasundo daw sila matulog sa isang room. sa rm.1. nun matutulog na sila, naalala ng pamangkin kong guy yun cp niya gusto niya itext yun tita niya(pinsan ko). di raw niya mahanap. kung saan saan nila kinalkal di talaga mahanap. nung napagod sila,sabi pag maliwanag na lang na hanapin. so nahiga na sila sa isang kama magkakatabi sila. tahimik yun paligid bigla nila narinig yun tunog ng parang nagtetext. ang lakas daw ng pindot sa keypad. sabi nun pinakamatanda sa kanila, si Carlos, baka cp yun ni Leo. yun pamangkin ko. di na nila pinansin natulog na lang daw sila. kinabukasan, lahat sila nagising ng sabay di nila alam kung bakit pero iisa daw panaginip nila. may lalake daw nakaupo sa tabi ng bintana, pinapanuod sila. tapos nun pagbangon nila nawala daw mga tsinelas nila, napunta sa ilalim ng kama nakakumpol paikot yun nga tsinelas. tapos nakapatong sa pinaka ibabaw yun cp ni Leo.

 Nun dumating na si Ate Jen yun caretaker, nakwento raw ni Carlos habang nanonood siya ng tv sa baba may naririnig daw siya sa 2nd flr. parang tunog ng bolang ibinato. tapos may tumatakbo. eh sabi daw ni Ate Jen nakikita daw yun ng asawa niya. yun pa nga lalakeng multo doon nagpapakita sa kanya lalo kapag maingay. ayaw daw ng multo ng maingay. madalas yun lalakeng multo daw nagiingay kapag ganoon ang nangyayari sa bahay. sa hagdan daw nagpaparamdam. maririnig mo daw yun malalakas na yabag sa hagdan. doon siya namatay eh.

after ko malaman kwentong yun sa boardmate ko tinanong ko si Ate Jen kung totoo. oo daw. hindi naman daw sila ginagalaw basta huwag daw sila gagambalain.

dumating yun araw na malapit na matapos ojt namin. Mga first week ng May.. doon may nagparamdam sa amin. yun katukayo ko narinig daw niya yun bola habang palabas siya ng kusina sa 2nd flr. parang may bumato tapos unti unti tumitigil yun talbog ng bola. sabi ko baka guni guni niya. sabi niya pagka sara niya ng screen door, narinig niya yun. ako naman si nagbalewala , siguro nafeel nun nagpaparamdam na ayaw ko maniwala.. habang papunta ako sa kusina at isasara ko yun screen door, di ko alam kung literal kong nakita o namalikmata ako. may nakita ako batang lalake, nakatalikod sa akin. naka tshirt ng blue yun kwelyo red tapos maong pants na dark blue at sandal na dark brown. parang 2 or 3 yrs old, payat. saglit lang yun ilang secs lang. pagkurap ko nawala. pinawisan ako nun. pero di ako natakot.. may eksena din na nawala cp ko. akala nila ninakaw ng pamangkin ko si Leo kasi wala daw siya pera. sabi ko di niya pagiinteresan yun kasi mas maganda cp niya naka silent kasi cp ko kaya di yun tutunog pag pinaring. ang ginawa nila,pinatay nila yun ilaw sa kwarto kasi magbi blink yun fon pag may nagcall. kaso wala talaga. kinalkal nila gamit ko wala sila nakita. lalo yun travelling bag ko. alam ko hindi ko mailalagay sa travelling bag yun cp kasi ginagamit ko lagi yun cp at di ko pa nabubuksan yun bag magmula ng dunating ako aa bahay. eh nun ako na ang nagcheck  bigla ko nakita yun cp may nagko calling pa kaya nagbiblink eh nun oras na yun di naman na pinapa ring yun cp ko pero number nun katukayo ko ang naka appear. takbuhan kami sa baba.sigawan talaga.. kinagabihan nga nun around 10 pm, doon namin narinig yun sinasabing angry steps ni mystery man. ang lakas ng yabag niya sa hagdan. kada hakbang tig tatlo tapos titigil. tapos ganun uli paulit ulit.

naikwento ko yun sa mama ko nun dinalaw niya ako 1 week bago ako umalis ng bahay na yun.

 Grabe kasi yun description na sinabi ko about sa nakita kong bata eh same sa sinabi ng pinsan ko na nasa basement. nganga ako doon eh sa totoo lang di ko malimutan yun experience ko doon. weird at nakakakilabot siya.

ngayon wala na kami dun pati mga kamag anak ko. nagsibalikan na kami sa hometown namin. pero andito uli ako sa ibang lugar nga lang malayo sa Baguio city yet kahit dito may nagpaparamdam. parang sanay na. pag pinansin ko kasi babalutin lang ako ng takot eh sabi nila doon daw lumalakas ang mga elemnto, nahihigop nila yun negative energy kagaya ng takot, galit, mga strong emotions. dun sila lumalakas.

partida after ko magpost dito kagabi nakatulog ako. binangungot ako. 3 beses ako nanaginip na natutulog din ako sa panaginip at di ako makagalaw. natrigger lang siguro yun dati kong takot kasi matatakutin ako nun first time ko sa Baguio.
ryzen: 05-24-15 11:40 PM
kwento ko ulit ang aking karanasan hindi lang sa anino. . . ito naman tungkol sa panaginip na hindi mo mapaliwanag ay totoo pala. . .

madalas ako nababangongot. .  nagigising lako mga 2 am lagi ganun 2 am.   
anung klaseng bangongot yung nararamdaman ko? sempre hindi lahat nababangot na tao ay pare parehas.   iba kasi sakin pag nababangongot ako napapasigaw nalang ako kasi hindi ko talaga maigalaw katawan ko kahit gising na ako at nakamulat ang mata ko. .     ilang beses ng ganun. . .   

may araw na natulog ako nakainom ng kunti. .  sarap na ng tulog ko at kahit segundo lang nakakapanaginip kana.    mga 11 pm na ako natulog.   tanda ko pa yun sarap matulog pag malamig binuksan ko ang bintana ng aking kwarto.    apat na binta kasi nasa kwarto ko.     yun nga lang hindi sliding door kundi tawag samin jalose ba yun?  yung ibaba ko na lang bukas na.      nanaginip ako pag natutulog kasi ako nakamulat yung mata ko as in talaga madami na nakakasita ng ganun pag nakatulog ako nakamulat kunti mata ko.    napansin na din ng mama ko yun at papa ko at sempre yung girlfriend ko. .   tanda ko talaga nung nanaginip ako nakikita ko buong kwarto ko na nakatingen sa bintana nakahiga ako kasi kita naman bintana pag nakahiga ka.   nananaginip na ako dun na nakatingen sa bintana ko.   at biglang may lumabad na maitem na babae nakasuot siya na black na gound at yung mukha natakpan ng buhok at mismo tumagos siya sa pader ng bintana.  na papunta sa kama ko at dun ako nakahiga.  mismo nung lumalapit na siya sakin bigla akongnagising at parang tutuo ang nagyari talaga. . parang nag double na panaginip ako. . at pag gising ko may kabinet kasi ako sa kwarto at yunh kabinet ko may salamin yun.  . . nakatapat sakin yung salamin habang natutulog ako. .   lagi ako nababangot talaga. . . pinag pawisan na ako nun hindi na ako nakatulog nun kasi. . pag nababangongot ako parang may nakapatong sa katawan ko talaga na mabigat na hindi ko maigalaw. .   

kwenento ko ang naramdaman ko sa aking lola. . sinabi niya na bawal daw pag natutulog ka pag nakatapat yung salamin sa kabinet. . . nung naasar naman ako. . luma na kasi ang kabinet na yun. . binasag ko mismo yung salamin na yun. .   


now nakakatulog na ako ng maayos at hindi na ako nagigising ng madaling araw at  hindi na napag papawisan pag nagigising ako. at maganda na din tulog ko simula nung binasag ko salamin sa kabinet ko. .


salamat sana nag enjoy kayu
marami pa ako kwento base sa akinh experience simula palang to
vocidol: 05-25-15 12:08 PM
nakaka multo talagang yang coc nayan eh hahah
LeizeLwho: 05-25-15 01:48 PM
haha masama talaga matulog ng nakatapat ang salamin sa kama. ganyan din ako nun hs, white lady napanaginipan ko nililipad pa ng hangin yun buhok niya tapos bigla siya bumagsak sa kama. parang totoo dahil ramdam ko sa paanan ko yun bigat ng pagkakabagsak. pero bihira na ako mabangungot. nangyayari lang yon kapag stressed ako sa buhay

anyway may mga tao talaga na medyo buka ang mata kapag tulog. bilugan ba mga mata mo Ryzen? alam mo bang swerte daw yun mga taong bukas ang mata kapag natutulog

sana may magshare pa. post ako dito mga kopya ko ng horror stories next time.
Pages: [1] 2 3 4 5
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.186