Symbian Software Zone > Mobile Discussions
[TUT] UBT/FBT 101 for Newbies..
(1/19) > >>
aizon1777: 11-17-09 03:18 PM
Book of Secrets

ang thread na ito ay para sa mga newbies, if feeling mo di mo na 'to kailangan, 'wag mo na basahin dahil hindi ito para sa'yo.. if wrong board, saan ko pa ba to pwede ipost? Hindi pwede sa ubt/fbt help and support dahil matatabunan lang 'to agad.. Wala na ding kwenta..




Ginawa ko ang post na ito para sa mga newbie na hindi familiar sa mga terminologies na ginagamit sa UBT/FBT.. If ito po ay repost o walang kwentang topic.. Paki inform po ako mga bossing na moderators..


@ trick
one of the oldest trick na isinilang sa ubt/fbt world.. From the term "@ trick", ginagamit ang @ para makakonekta sa net.. Usually ang basic format nito ay freesite@website
Ex:
>m.olx.ph@google.com
>m.olx.ph@server4.operamini.net

Access Point/s
configuration settings ito ng network na ipinapadala sa mga internet capable phones. Ito din ang ineedit upang magamit ang mga tricks. Karaniwan na ang ineedit dito ay ang proxy server address at port.. Sa mga s60 nokia phones matatagpuan ang access points sa settings>
connection settings>
access points

APN
short term for Access Point Name.. Nasa settings ito ng access points..
Ex:
http.globe.com.ph
minternet
internet

Built In Browser
sa term na "built in" ibig sabihin included na ang browser na ito sa phone nung binili, kasama na sa software ng cellphone..At nagsisilbing default browser.. Sa mga nokia phones, ito yung may name na "WEB" at may icon na mundo/globe

CGI
(Common Gateway Interface) standard protocol for interfacing external application software with an information server, commonly a web server.. Lalim ba? kaya i will give examples na lang para makilala nyo ang CGI. Ginagamit ang trick na ito sa server ng browser at pwede ding gamiting pangdownload. Here are the examples:
Quote:
http://example.com/cgi-bin/nph-proxy.cgi/001000A/http/91.203.96.125:80

http://example.com/nph-proxy.pl/000100A/http/ url

sa second example may url na nakalagay, doon inilalagay ang website na gusto mo puntahan o ang directlink ng gusto mo idownload..

Dot Trick
Trick na gumagamit ng tuldok.. Hindi ko alam kung working pa ito.. The basic format sa pagamit nito ay ganito freesite.website
Ex:
m.olx.ph.google.com
m.olx.ph.server4.operamini.com:80

Emulator
something na kayang surpass ang network.. Ganito lang kasimple, magbibigay ako ng example base sa mga nakita at nabasa ko na kung ano daw ang emulator, here are some of the emulators:

m.olx.ph.t9space.com/power/m/http/place url here

kadalasan, may term na cgi emulator.. CGI naman ang ginagamit doon.. Eto ang basic format ng mga emulator:

>freesite.phonifiersite/website
>freesite@phonifiersite/website

example ng phonifier/proxy site ay t9space.com/power/m/http/

FBT
(also known as Free Browsing Technique) same as UBT, ginagamit ito ng mga kuripot magload para maaccess ang web/wap ng walang bayad.. Oo, walang bayad..

Freesite
freesite, libreng site, ito yung mga site na pwede mo i-access gamit ang phone mo kahit wala kang gamit na trick, at ang mga ito ang nagsisilbing portal para makagamit ng trick..

HTTP protocol
default protocol ng web ito.. bawat send mo, saka ka lang makakareceive.. Kung kelan ka nagrequest, saka lang may dadating.. Yan ang pinakasimpleng depinisyon nyan.. Kapag nagclick ako, magsesend ng data, and saka pa lang ako makakatanggap ng data, give and take lang, give muna bago take..

IP
(Internet Protocol) also known as PROXY SERVER ADDRESS.. Kadalasang tawag dito ay PROXY..Ito yung mga numero na ganito ang format: 10.10.10.10
no need to explain in technical terms, kung ano lang ang gamit.. Yun lang ang ibibigay ko. ang mga numero po na yan ang inilalagay sa access point settings natin, specifically, sa proxy server address..

IP trick
trick na kung saan ginagamit ang website na gusto mo puntahan bilang IP.. halimbawa, gusto ko magbrowse sa pinoyden.com, ilalagay ko sa IP/proxy server add ng access point ko ang pinoyden.com at coconnect ako sa isang freesite gamit ang opera 8.65 or built in browser

KATAY
ginagamit ng mga kuripot gang na word kapag wala na ang isang trick, "nakatay na ang tutut trick"

PORT
lagi itong kasama ni IP/proxy, examples nito ay: 80, 3128, 8080, 1080

PHProxy
sa trick na ito, gumagamit ng PHProxy para makaconnect, pwedeng gamitin sa built in or Opera 8.65.. IP trick din ito, ginagamit na proxy ang IP ng mga phproxy sites.. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng redirection.. Kunwari gusto mo gamitin ang scarcup.com as phproxy, ilalagay mo sa settings ng access point mo as proxy ang scarcup.com or ang numeric value nito.. At gagamit ka ngayon ng opera 8.65 or built in at coconnect ka sa ganitong format:

freesite/dahr.php

mareredirect ka ngayon sa isang phproxy site.. Na may box kung saan itinatype ang url na gusto mong puntahan, parang sasakyan ang mga phproxy, sila ang tagahatid o tourguide mo sa www..

Proxy
please refer to IP definition


lahat ng sample ay hindi totoong trick
aizon1777: 11-17-09 03:33 PM
Prov File
ito ang ginagamit ng mga s40 phones para mapalitan ang proxy server address (a.k.a. IP) at port ng kanilang access point, hindi kasi editable ang access points ng s40.. Karaniwang isinesend ang prov file via bluetoot mula sa isang s60 phone to a s40 phone..
 For prov files and tutorial for how to make one,click this smiley:

S40 phones
short term for series 40 phones, java applications/files (.jar) ang pangkaraniwang pwedeng iinstall dito.. For the list of s40 phones, please click this smiley:
 


S60 Phones
short for series 60 phones, symbian phones na ito (tama ba ko?), kayang tumanggap ng .jar at .sis na applications.. For the list of s60 phones, click this smiley:


Space Trick
please click this smiley for the complete tutorial and guide for this trick:
 


UBT
(also known as unlimited browsing technique) ito ang ginagamit ng mga kuripot at nagtitipid sa load pero gustong magbrowse/download sa web/wap ng walang limit. Napapaloob dito ang mga tricks, tulad ng @trick, dot trick, CGI, etc.Isa ko dun sa mga kuripot na yun

URL
short term for Uniform Resource Locator, ito ang standard address ng isang site sa internet.Ipagpalagay na lang natin na isang bahay ang site, may address siya di ba? Ganun lang yun sa madaling paliwanagan.

Example:
>www.example.com/index.php?=home
>wap.halimbawa.net/can/two?=t3agm
>http://m.pinoyden.com


3G, 2G, UMTS, GSM..
What's the meaning of G? G = Generation.. So ano ang gsm? gprs? Ganito lang para madaling maintindihan, ang mga sumusunod ay ang tamang pagkakasunod sunod ng connection/signal na ginagamit natin, mula sa pinakamahina papunta sa pinakamalakas:

2G = GSM
2.5G = GPRS
2.75G = EDGE
3G = WCDMA, R99
3.5G = HSDPA
3.75G = HSUPA
3.8G = HSPA+ (HSPA Enhancements)
3.85G = 'HSPA+' + MIMO
3.9G = LTE
4G = NOT WiMAX

Glossary of terms


GPRS -- General Packet Radio Service

EDGE -- Enhanced Data Rates for GSM Evolution

UMTS -- Universal Mobile Telephone Service

HSDPA -- High Speed Downlink Packet Access

HSUPA -- High Speed Uplink Packet Access

MIMO -- Multiple Input Multiple Output

3GPP -- Third Generation Partnership Project
metaldragon17: 11-17-09 06:33 PM
PDPT vice pres aizon parang wrong board kasi your discussing fbt tricks tsaka sabi mo secrets pero ngayon lantad na kaya ito sayo
rayoyan1990: 11-17-09 08:26 PM
Kuya aiz parang dictionary ang utak mo dami mong alam
Sector27: 11-17-09 10:05 PM
Nice! Ngayon ko lang nalaman! Pero dapat nasa ubt/fbt ito! Para secret talaga
LORD_THOR: 11-17-09 11:01 PM
Nice thread bro . . .Ayos to para sa mga new comers
LelouchViBritannia: 11-18-09 12:09 AM
sa infos TS.
jerkface: 11-18-09 01:08 AM
tol hindi ba delikado yan? Baka mas lalong maubusan tayo ng tricks pag may napadaan na spy ng mga network.. Hmmm..
aizon1777: 11-18-09 01:17 AM
Kaya din naman nila pasukin ang fbt/ubt board kung gusto nila.. At may mga post sa wap/web na mas lantad pa dito.. If my moderator po na magpapaclose nito, i'll be willing to close and delete the content po.. Thanks for the concern..Alam ko na concern ka lang sa mga tricks natin..
joks666: 11-18-09 01:17 AM
thanks for sharing keep it up dude
RRS: 11-18-09 07:46 AM
Paayos po ng title, salamat.
rayoyan1990: 11-18-09 07:52 AM
Kuya suggest lang padagdag na rin ng mga exact abbreviation ng mga ito.

Url
gprs
edge
gsm
2g
2.5g
3g
hsdpa
UMTS
IMEI
java
symbian
os
fpt

hehehe
aizon1777: 11-18-09 09:24 AM
Idadagdag ko nga sana yung iba, kaso sumingit bigla si itim eh..
rayoyan1990: 11-18-09 09:49 AM
Pasaway talaga ang itim na yun
edit mo nalang ang pangalawa mong post.Hehehe
aizon1777: 11-18-09 09:51 AM
Panget na tingnan kapag ganun.. Kumbinsihin mo na lang si itim.. Heheh
Pages: [1] 2 3 4 ... 19
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.14