Tambayan Zone > Arts and Literature
Kababata (Poem)
(1/1)
Mhalditah18: 01-04-16 04:02 PM

Kababata

Written By Me




Musmos pa lang ako ng ika’y makilala ,
Kalaro, kaasaran sa twina.
Naalala mo pa ba ang lahat  Oh aking kababata?
Mga habol-habulan, tago-taguan at langit-lupa sa likod ng kapilya?
O tuluyan mo ng ibinaon sa limot ang ating ala-ala?


Sa tabing dagat noon, lahat ay nagsasaya,
Nabuo ang pangako natin sa isa’t isa,
Na sa ating pagtanda may ikaw,ako,tayo na nakatadhana.
Aking kababata iyo pa bang nagugunita,
Ang pangakong tayo sa pagtanda?
O tuluyan mo ng sinulat sa hangin,
At nawala ng parang bula.


Sa tagal ng panahon na tayo’y pinaglayo,
Tila madami na ang naiba’t nabago.
Hindi ko na alam kung magkakaroon pa ng Ikaw, Ako at tayo.


Nang tayo’y muling magkita,
Ibang-iba ka na kababata.
Kumisig at gumwapo ang iyong tindig at porma.
Kaya naman sa t’wing malapit ka,
Ang puso ko ay nagwawala sakanyang hawla,
Lalo na pagtumitig ka na ,
Damdamin ko’y kakaba-kaba.


Kaya sa unang pagkakataon ang puso ko ay umasa,
Na baka iyo pang naaalala,
Pangako sa isa’t-isa na tayong dalawa.


At sa unang pagkakataon akin ding naramdaman,
Ang hapdi sa puso na di ko maintindihan,
Lalo na ng aking malaman ,
Na ikaw aking kababata ay may gusto sa aking pinsan.
Doon ko napagtantohan,
Ang pangako natin sa isa’t-isa ay tuluyan mo ng kinalimutan.


Ngunit ako’y di nadala,
Ako ang naging tulay sa inyong dalawa,
Pa “haha” “haha”  nalang ako sa t’wing kachat kita,
At nagpaparegards sa pinsan ko na iyong sinisinta.


Masokista nga akong talaga,
Kasi kahit ang sakit-sakit na,
Tinutuloy ko pa para makausap lang kita.


Ganyan siguro talaga pag-inlove ka,
Kahit hindi ikaw ang kaligayahan niya,
Hangad mo pa rin ang kasiyahan nya sa piling ng iba.


Hindi nagtagal ako'y muling lumisan,
Sa pag-aakalang sa tagal ng panahon,
Na di ka nasisilayan,
Ay makakalimutan ko ang pangako ng kamusmusan.


Sa dalawang taon ng aking paglayo,
Tila damdamin ko sayo'y naglaho,
Pangako nati'y nilimot,
At ang pangarap kong Ikaw,Ako,Tayo ay natapos.


Sa wakas tanggap ko na rin,
Na ang pangako ng kamusmusan,
Ay isa palang malaking kasinungalingan.


At sa aking pagbabalik galing sa bansang banyaga,
Ni di ko man lang naisip  na makita ka,
Tanda lang ito na nakalimutan na nga kita.



Ngunit sa pangalawang araw ng pagdating ko,
Andun ka sa hagdan ng tree house ng lolo ko,
Napatingin ka at napatingin ako,
At parang bulkang sasabog ang puso ko.


Heto na naman tayo, Inlove ulit sa'yo.
Ilang araw din kita nung iniiwasan,
Sa bawat pagsingit mo sa usapan,
Akin agad itong tinatapos ng katagang,
"Salamat" sabay lisan sa'yong harapan.


Sapagkat hindi ko kayang makausap ka ng pang-matagalan,
Puso ko'y nagkukumawala at sinisigaw ang 'yong pangalan.


Pero sa mga oras na yun,
Hindi ko namamalayan,
Na ako'y unti-unting umaasa na naman sa pag-ibig mong,
Kailanma'y di ko naramdaman,
At sa pangako mong tila wala ng kasiguraduhan.



Alam mo bang pinagpanata pa kita sa Ama?
Na sana iyong maalala pangako natin sa isa't-isa.
At sana sa pagkakataong ito,
Ako na ang iyong sinisinta.
Pinagpanata ko pa na sana tayo ng dalawa,
Kung ipahihintulot nya.


Nanghingi pa ako ng senyales sakanya,
Nung natupad ito lubos na aking ikinasaya,
Lalo na nung New Year at nakatext kita,
Mahigit tatlong oras na puro "haha" tayong dalawa.
Labis ang saya at kilig ko nun,
Kung ramdam mo lang sana.


Ngunit natapos na ang New Year,
At tapos na rin ang saya,
Hindi ka na muling nagparamdam pa,
Ni isang "Hi" ay wala.
Wag kang mag-alala at gets ko na.


OO gustong-gusto kita noon pa simula pagkabata,
OO inlove ako sa'yo matagal na,
At OO umasa akong muli na pangakong Ikaw,Ako,Tayo sa pagtanda.


Ikaw ang pinaka perpektong lalaki sa mga mata ko,
Lalaki na kay tagal ko ng pinangarap na magustuhan ako.


Pero sa pagkakataong ito,
Isusuko ko na ang nararamdaman ko para sa'yo,
Siguro nga ang puso natin ay nakalaan para sa ibang tao.
Kay tagal na rin simula ng ako'y magkagusto sa'yo,
Kaya tinatapos ko na ang kahibangan kong ito.
Bibitawan na kita kasama ang pangako nung mga musmos pa tayo,
Pangakong kailanma'y para sa atin ay hindi nakatadhana.



My Childhood Sweetheart
My Unforgettable First Love


Ako naman ang sayo'y mangangako,
Na ito na ang huling pagkakataon,
Na ikaw aking kababata ay iibigin ko pa,
Hiling ko lang sana,
Kapwa tayo maging masaya ,
Sa yakap at piling ng iba.

jepoy09: 01-13-16 06:11 PM
nice ts
Rhoi87: 02-05-16 12:18 PM
Napaiyak ako.. ganyan din ang nangyari sakin
Mhalditah18: 02-17-16 01:28 PM
Posted by: jepoy09 on 01-13-16 06:11 PM
nice ts

salamat po.

Posted by: Rhoi87 on 02-05-16 12:18 PM
Napaiyak ako.. ganyan din ang nangyari sakin

Haayyyy .. ang sakit noh T___T  haist.. hirap mag move on...
zyrah: 02-20-16 02:52 AM
Just keep loving eventually the right one will come along..Tiwala lang nice piece ts
qzedge: 10-24-17 01:20 AM
grabe my na alala ako dito..
SexSexSex: 10-24-17 01:10 PM
Diko namalayan na tapos na pala dagil ang ganda ng pagkakagawa 
larnet: 11-15-17 07:09 AM
ts. ramdam kita salamat at napaka ganda nya
arvin55: 02-21-18 05:55 PM
magaling TS damang dama

baka kasi ibang tao ang dadating sa mga pinagpanata mo .chill lang
Ez0n88: 02-21-18 10:20 PM
nice. Sino nag angat nito.
knowley: 02-22-18 05:45 AM
wow ganda ah.... 2016 pa pala to buti na lang inangat
Pages: [1]
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.088