Tambayan Zone > Arts and Literature
Aking Munting Hiling Para Sa Kanya
(1/1)
onasiko: 03-20-16 04:47 PM
Sana ako'y pag bigyang sa aking munting hiling.
Hindi ko naman hihilingin na layuan mo siya.
Hindi ko rin naman hihilingin na siya'y iyong bitawan.
Ako'y hihiling at nag mamaka-awa.
At kung nanaisin mo ako luluhod sa harap mo.
Pero sana ang aking hiling ay tuparin.
Ito ay hindi para sa akin, kundi para sa kanya.
Dahil na palambot mo ang puso niyang naging bato.
Naging bato ng pagkatagal-tagal.
Hihilingin ko na ingatan mo ang kanyang puso.
At kung puwede huwag mo sana siyang paiyakin.
Dahil na rin sa hindi ako katulad mo na may pera.
Sana huwag mong ipagkait ang mga bagay na gusto niya.
Mahal ko siya at hindi niya alam iyon at mahal ka niya.
Ipapaubaya ko na siya sa iyo.
Ang babaeng mahal ko.
Ang babaeng nag bigay muli ng kulay sa mundo ko.
Ang babaeng nag bigay ng dahilan kung bakit ako umibig muli.
Ang babaeng kahagkan mo, kayakap mo.
Ang babaeng kahawak kamay mo.
Ang babaeng humahalik sa iyo.
Ang babaeng nag aalaga at nag aalala sa iyo.
Ang babaeng mahal ko.
Ang lalakeng mahal ng mahal ko sana mahalin mo siya.
Siya ang aking mahal.
Yun lang ang aking hiling.
Siya nga pala huwag kang maalala, lalayo na rin ako sa kanya.
************************************************************************

Gusto ko sabihin sa lalakeng minahal pero hindi ko masabi kaya dito na lang.. Pasensya......
Pirate_20: 05-30-17 07:47 PM
sobrang nakarelate ako,  tagos.
SubbotaSef: 07-31-17 06:44 PM
ANG AKING SINING
Tahimik at payak
Bumubulong, hindi nanggugulat
Siphayo ng mga luhang di naglandas
Hinaing ng kahapong di agad nakaalpas

Ito ang kabuuan ng aking sining
Mga naghihimagsik at nag-uumalpas na hiling
Sa ibat-ibang paraan
Walang balangkas, walang tiyak na daluyan

Ang aking paksa
Ay masalimuot na suma ng mga buntong-hininga
Tulang nanunulay
Liriko ng awiting walang buhay
Pansamantalang bintana
Pansamantalang paghinga

Ang aking sining ay higit pa sa ekspresyon
Ito ay tagni-tagning talaarawan ng pinabayaang kahapon
Mga tinalikdang nagpupumilit bumalik
Mga pagpapasya at pag-aalinlangang nangungulit

Ang aking alalahanin
Ang aking hinaing
Ang aking sining
ANG AKING SINING
Pages: [1]
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.058