Tambayan Zone > Humanities
Republika ng Pilipinas (Politics, History & Gov't Talks)
(1/222) > >>
LeizeLwho: 06-18-16 12:22 AM
Dito natin pag usapan ang tungkol sa bansa natin. Lawakan natin ang lahat ng usapin para sa sinulid na to:

PH Government
PH Constitution
PH Economy
PH History
PH Hot issues/topics
PH Politics


Isa lang ang golden rule ko sa thread, ang maihiwalay ang religion/religious topics dito

Kindly post your links for further info, give credits  sa pinagmulan ng infos sa inyong mga posts.

The rest, stick na lang tayo sa payo ni admin:
Quote:

aED: November 27, 2012, 01:53:49 PM | Report
1. DO NOT feed the TROLLS! DO NOT feed the TROLLS! DO NOT feed the TROLLS!
2. Only Jr. Member II and above members are allowed to post .
3. Giving thank you is disabled.
4. Healthy conversation is only allowed any member that will posts offensive messages will be given a 25% warning.
5. If the user still posted another offensive message after receiving a 25% warning, he/she will be permanently banned.

NOTE:Ang mabuti po gawin kung may nagpost ng offensive na message ay pakireport nalang
po at iignore nalang ang member dahil kung hindi pareho kayo mabibigyan ng warning. Ang
mga user na rereply at makikipag away sa member na nag popost ng offensive na message ay mabibigyan ng warning. Kung ayaw nyo mabigyan ng warning o maban be sure na maayos ang mga post nyo. It doesnt matter kung nagreply ka lang sa nangugulo. Ikaw
man ang nagstart ng gulo o hindi mabibigyan ka parin ng warning o pwede kang maban dahil nagreply ka parin sa nangugulo.

This is still not final and will be modified without prior notice.


Anyway, Congratulations to our Elected President:
Rodrigo Roa Duterte

Vice President:

Maria Leonor Gerona-Robredo


The Philippines 2016
Glenlee04: 06-18-16 12:39 AM
dapat wag mo e lock agad Ms. Liezel if magkagulo
LeizeLwho: 06-18-16 12:55 AM
Posted by: Glenlee04 on 06-18-16 12:39 AM
dapat wag mo e lock agad Ms. Liezel if magkagulo
baliktad ata? shhh. sikapin natin na walang magaganap na gulo.

Anyway, naaaliw ako dito kay Teddy Boy Locsin. I follow his informative Teditorial & tweets. (sa maka gets lang
hanudaw14: 06-18-16 04:08 AM
hindi na sinusunod ang batas sa pinas. itong huli lang yung late SOCE ng LP. bakit hindi sinunod ang batas ng Comelec?
haaay kailangan na tlg palitan lahat. dapat iimpeach yung pinsan ni Aquino sa Comelec pinagloloko na tayo ng batas na pinapairal ng LP.
waterboy: 06-18-16 06:01 AM
anong silbi ng batas kung hindi susundin?
LeizeLwho: 06-18-16 01:44 PM
Meron pa namang natitira na marunong pa rin sa batas kahit may position ang masasagasaan.

http://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/136743-paolo-duterte-overspeeding-davao-city

Parang katulad lang nung humuli dati kay QC Mayor Bistek
hanudaw14: 06-18-16 02:11 PM
Posted by: LeizeLwho on 06-18-16 01:44 PM
Meron pa namang natitira na marunong pa rin sa batas kahit may position ang masasagasaan.

http://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/136743-paolo-duterte-overspeeding-davao-city

Parang katulad lang nung humuli dati kay QC Mayor Bistek


well davao yan eh!  dati rin nga yung si inday sarah nahuli rin sa over speeding at nagalit sa tatay nya dahil masyado daw mababa ang 60km/hr na speed limit. hehehe..

pero pag sa ibang lugar yan.. hindi mo ba ako kilala? anak ako ni mayor,congressman bla bla bla..
LeizeLwho: 06-18-16 05:17 PM
Posted by: hanudaw14 on 06-18-16 02:11 PM
well davao yan eh!  dati rin nga yung si inday sarah nahuli rin sa over speeding at nagalit sa tatay nya dahil masyado daw mababa ang 60km/hr na speed limit. hehehe..

pero pag sa ibang lugar yan.. hindi mo ba ako kilala? anak ako ni mayor,congressman bla bla bla..

pero di ko maiwasang matawa eh. takot si Paolo sa asawa?

pero seryoso, pwede rin kasi sabihin na gimik lang yun. but still, Davao is Davao. parang may mga gustong ipahiwatig ang team ni Digong

Speaking of SOCE, balita ko magreresign yun isang commissioner na bumoto in favor of LP.
soultrack: 06-18-16 05:38 PM
Posted by: hanudaw14 on 06-18-16 02:11 PM
well davao yan eh!  dati rin nga yung si inday sarah nahuli rin sa over speeding at nagalit sa tatay nya dahil masyado daw mababa ang 60km/hr na speed limit. hehehe..

pero pag sa ibang lugar yan.. hindi mo ba ako kilala? anak ako ni mayor,congressman bla bla bla..
pwedeng "OO" pwede namang "Hindi". Ang malinaw ay isa lamang yan na prejudgement at hindi malalaman hanggang hindi nangyayari o ginagawa nung tao. Maliban nalang kung may ginawa nasiyang katulad ng sinabi mo.
fabbriche: 06-18-16 05:49 PM
LP ang pinakamalaking political party sa Pilipinas. Maraming national at local positions ang mababakante kapag hindi pinayagang makaupo ang nanalong mga kandidato mula sa LP. Kelangang mag-conduct ng special elections para sa mga bakanteng posisyon at malaking gastos na naman un.
hanudaw14: 06-18-16 08:12 PM
Posted by: fabbriche on 06-18-16 05:49 PM
LP ang pinakamalaking political party sa Pilipinas. Maraming national at local positions ang mababakante kapag hindi pinayagang makaupo ang nanalong mga kandidato mula sa LP. Kelangang mag-conduct ng special elections para sa mga bakanteng posisyon at malaking gastos na naman un.

edi magconduct uli.. problema ba yun? hindi naman pera nila ang gamitin kundi pera ng bayan. naalala ko pa dati na sabi ni roxas no one is above the law! pero ito si pinsan gumawa ng law niya para lang makaupo mga tao ng pinsan nya. tama ba yun?
fabbriche: 06-18-16 08:49 PM
Mas practical ang extension ng filing ng SOCE kesa magconduct ng special elections. Mas matagal at magastos na proseso ang special elections kesa hintayin na lang hanggang June 30 na makapag-file ng SOCE ang mga partidong hindi pa nakakapag-file ng SOCE nila.
LeizeLwho: 06-18-16 08:59 PM
Sabagay yan naman talaga ang dahilan kaya dumaan pa sa voting ang Comelec en Banc panel. Ang nakakatawa, pagkatapos nun biglang ibinalita na magreresign yung isang comm. na bumoto in favor of LP At kabilang si Comm. Bautista sa nag vote ng hindi pabor sa LP. Di ko alam kung ano ang gusto nilang palabasin


Speaking of electoral protest, nireset pala yun inihain against Smartmatic. Nakalipad na pala kasi yung empleyado nito sa kabila ng assurance ng Comelec na walang lalabas ng bansa para humarap sa hearing. Another slap to their faces.
asusbyte: 06-18-16 09:38 PM
Posted by: hanudaw14 on 06-18-16 04:08 AM
hindi na sinusunod ang batas sa pinas. itong huli lang yung late SOCE ng LP. bakit hindi sinunod ang batas ng Comelec?
haaay kailangan na tlg palitan lahat. dapat iimpeach yung pinsan ni Aquino sa Comelec pinagloloko na tayo ng batas na pinapairal ng LP.
tama ka.. gaya ni digong hindi sinusunod ang batas tulad ng hindi nya paglagay ng ibang bank account nya sa saln nya.
haunted16: 06-18-16 10:40 PM
Vp,5 senators at 100+ congressman ng LP,ang nanganganib na hindi makaupo,kung sa akin lang penalty lang dapat parusa kaysa naman,paupuin yung hindi naman nanalo sa boto.Tsaka unfair yan halimbawa kay Robredo na maaga ng nakapasa ng SOCE nya,meaning she's done her part it is not her fault,dahil lang sa hindi nakapasa ng SOCE ang partido nya,hindi na sya makakaupo.If may special elections,naman impractical yan,the voice of the people have spoken,may nangyaring pagpili na.
Pages: [1] 2 3 4 ... 222
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.089