Tambayan Zone > Humanities
Wonderful story: Isang babae ang lumapit sa Pastor.
(1/3) > >>
James307: 09-06-17 02:34 PM
May isang babae na pumunta sa pastor at ang sabi...
"Pastor, hindi na ako babalik sa church niyo.

"Ngunit bakit naman?" tugon ng pastor.

"Eh! Kasi naman po Pastor may nakita ako sa loob ng church nagdadaldalan at sinisiraan ang kapwa kapatid, may taong magpagkunwari, mayabang, maging ang music team mali ang ginagawa. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service at ang daming mali na nakita ko sa church Pastor."

Sumagot ang Pastor, "Ok, pero bago ka umalis, pwede ba akong maka hingi ng pabor? Kumuha ka ng isang basong puno ng tubig at umikot ka sa loob ng Church ng tatlong beses na walang matatapon na kahit isang tulo ng tubig. At pagkatapos pwede kanang magpa alam."

Sa isip ng babae...
"Napakadali naman!!!"

At umikot nga ang babae ng tatlong beses sa church.
At nang siya'y matapos, "Pastor pwede na po ba akong umalis?"

Sinabi ng Pastor, "Bago po pala kayo umalis pwede po pa ba akong magtanong muli?"

Nung palakad-lakad ka at inikot mo nang tatlong beses ang church, may nakita ka bang nagdadaldalan, at sinisiraan ang kapwa kapatid?

"Wala po."

May nakita ka bang mapagkunwari at mayabang?

"Wala po."

May nakita ka bang music team na may maling ginagawa?

"Wala po."

May nakita ka bang gumagamit ng cellphone habang nasa service?

"Wala po."

Alam mo kung bakit?

"Hindi po."

Dahil naka focus ka sa baso na may laman na tubig, dahan-dahan ka para hindi ka matisod at para walang matapon. Tama!?

Katulad din sa buhay natin bilang isang Kristiyano. Kung nakatuon lang ang ating paningin sa Panginoon, hinding-hindi tayo matitisod at wala tayong oras para tingnan ang mali ng iba.

✔"We will reach out a helping hand to them and concentrate on our own walk with the Lord."
TYPE "AMEN" IF YOU BELIEVE IN GOD. 🙏

#Jesus Saves!
#Share.

-Baptist...

#No To Corruption And Crimes.
winrbrass: 09-06-17 02:48 PM
Ganda bro :-) may aral. Born again din ako. Victory church ako nagsisimba :-)
James307: 09-06-17 03:29 PM
Ipagpatuloy mo yan at ipagamit mo ang buhay mo sa Diyos. Ito ang pinakadakilang desisyon.
clayd: 09-10-17 02:20 PM
Magfocus sa aral ng Doktrina ng panginoong Hesus sa mga tunay na mangangaral hindi ng mga pastor na bulaan. Pero hindi ko nilalahat.  Dati akong born again 3 years sa NEW LIFE CHRISTIAN CHURCH AKO pero umalis na ako pagkat para kaming mga tanga pinagloloko lang pala kami ng pastor namin para sila ay magkaroon ng sure money linggo linggo kaya sure money kasi ang ikapu siguradong 10% na pera yan kada tao kung halimbawa ang miyembro ay kumita ng 10k so sa pastor na ang 1k o kya 1 million so tiba tiba may 100k instant ang pastor di pa kasama doon ang bigay ng asawa ng mga myembro nila at hindi lang linggo linggo yun bawat may pagkakatipon may ikapuan  grabe pati bible study nga namin eh meron pa din ano ba yan.. .. Ok na sana masipag sana ako mag ikapu pero noong naintindihan ko ang totoong aral na sa panahon lang pala yun ng lumang tipan ipinatupad ang pag iikapu sa mga anak ni levi na mga saserdote pagkat nang palitan ang pagkasaserdote nila ni Hesus   nabago na ang utos  at ang utos ay ang nakasulat sa (2 CORINTO 9:7 ) napaisip ako aba tatlong taon na pla kami pinagloloko ni pastor tsk tsk, bigay ako ng bigay ng ikapu hindi naman pala aral ni Kristo yon . kaya lubos akong nagpapasalamat sa Dios sa kanyang awa't biyaya natagpuan ko ang tunay na iglesiang nakasulat sa Biblia at hindi iglesiang tinayo ng tao at kanya kanyang title pa talaga ah may VICTORY CHURCH ,May JESUS IS LORD CHURCH may UNIDA christian church, NEW LIFE at marami pang iba. ... Ni hindi mo nga mababasa sa Bible kung nag exist nga ba ang mga title na yan... i'm sorry hindi ako umaatake ah nagsasabi lang ako ng totoo kung nasasaktan man kayo im sorry pero sabi nga masakit ang katotohanan.

may awa ang Dios malay mo after mo mabasa ito maliwanagan ka kapatid. at purihin mo ang Dios . walang ibang iglesia o Church Ang  ipinangangaral ng mga apostol noon pang una sa tulong ng Dios kundi ang  IGLESIA ng DIOS o Church of God lamang.


I Corinto 1:2
  > Sa IGLESIA NG DIOS na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:


kahit saan mapunta si apostol pablo sa galacia ,sa efeso ,colosas etc ay Iglesia pa rin ng Dios  ang kanyang binabanggit. dahil yun ang Iglesiang pagmamay ari ng Dios ama sa Pangunguna ng panginoong Hesus.


ngayon naman sa ikapu .... ang pagtulong ay walang porsye porsyento tandaan ninyo mga kapatid walang masama magbigay ng ikapu o mas mababa pa sa ikapu o humigit pa sa ikapu. pagkat puso mo ang masusunod maluwag sa kalooban hindi napipilitan at pinaka importante ang may kalakip na pag ibig.. wag ka magbigay kung labag sa iyong kalooban.   

  Ang masama ay ang mag turo ng maling aral na hindi naman itinuturo ng Biblia at para maligaw ang mga tao.  gaya ng pagbibigay ng ikapu na hindi pa rin itinitigil ng mga pastor .

at hindi lang po yan may mga iba pang maling aral ng born again na itinuturo sa akin gaya nang speaking of katangahan este speaking of tongues daw kuno..  tinuruan pa ko ni pastor mag speaking ot tongues magsisimula.daw sa "rararara" na hndi daw maiintindihan ng mga demonyo ang salitang lumalabas sa bibig ko kahit mag imbento ako ng gaya ng " hasha balabashata kumprem bashra sisbumba !! etc etc ....  kalokohan pala lahat ng yan eh . baka pag narining ako ng lahat ng lahi sa buong mundo tanungin ako anong lengguwahe yan saan mo napulot yan?  hahahahha

kung natatandaan ninyo noong magsalita ng ibat ibang wika ang mga apostol mababasa sa aklat ng mga gawa may mga nakarinig dito ng mga ibat ibang mga lahi at ang sabi " diba mga judio o hebreo ang mga ito bakit sila nakakapagsalita ng salita ng wika natin ? ibig sabihin mga kapatid nakapagsalita sila ng language ng ibang country sa tulong ng espiritu santo. kung gusto po ninyo malaman ang ibang patunay na niloloko lang kayo ng mga pastor ninyo magbasa po kayo mga kapatid ng Biblia unawain ninyong mabuti . pwede rin po ninyo akong i private message  para malaman ninyo ang aral ng Panginoong Hesus na sa Biblia lamang nakabase. hindi dinagdagan hindi binawasan.


SALAMAT SA DIOS SA KANYANG KALOOB NA DI MASAYOD !
xiobabs14: 09-30-17 03:16 PM
Pa copy ako boss ah? gondo eh.
Wadwad: 10-04-17 09:56 AM
real talk yan
clayd: 10-06-17 08:26 PM
Posted by: xiobabs14 on 09-30-17 03:16 PM
Pa copy ako boss ah? gondo eh.

Sigeh lang po ok lang po


At isa pa hindi nila itinuturo ang tamang pananamit upang wag tayo magkasala sa paningin mga guys .. dapat lang nila ituro at ipatupad ang pananamit na mahinhin sa mga babae.

1 Timoteo 2:9
  Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;





Napansin ko noong born again pa ako sa church namin kanya kanya ng porma meron nga nakabakles meron kita na ang cleavage may fit mag suot para kitang kita ang kasexihan meron kontodo make up . Wala sanang masma kaya lang sinabi ng panginoong Hesus na  kung sinuman ang tumingin nang may pagnanasang mahalay ay nagkakasala ka na. Para maiwasan magkasala ang lalaki mas mainam na ipatupad ito sa loob ng Iglesia di ba. Pati ang buhok mahalay po sa lalaki ang mahaba at tanda ng pagpapasakop ang mahabang bubok ng babae mas mainam na wag puputulin.
 Lahat ng ito ay nakasulat sa Biblia kahit sa new testament ewan ko kung bakit hindi itinuturo ito ng pastor  siguro kokonti ang aanib sa kanila kapag pinatupad nila iyon kokonti ang papasok na pera. .. hahah  tandaan mapalad ang sumusunod sa salita ng Dios kung talagang sinusunod mo ito wag iyong pili lang kundi lahat ng utos dahil para rin ito sa ating pakinabang.
luna_spark: 10-13-17 09:47 PM
This is a good story but misleading in real world.
kopecool: 11-07-17 02:17 PM
Kwento pa kapatid na clayd
cycle19: 11-08-17 07:40 PM
Sa pag-analisa ko sa kwento mukhang nasa mali ngang samahan yung babae kasi ang sabi nya e..

Posted by: James307 on 09-06-17 02:34 PM
"Eh! Kasi naman po Pastor may nakita ako sa loob ng church nagdadaldalan at sinisiraan ang kapwa kapatid, may taong magpagkunwari, mayabang, maging ang music team mali ang ginagawa. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service at ang daming mali na nakita ko sa church Pastor."

Ang mga nakita nya sa loob ng church ay mga...

. nagdadaldalan
. sinisiraan ang kapwa kapatid
. taong magpagkunwari
. taong mayaban
. ang music team mali ang
   ginagawa
. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service

Mukha isang porsyento na lang ang makikita mong gumagawa ng tama.
May ganun bang samahang sa Dios?

Sa tingin ko mas tama yung desisyon ng babae na wag ng bumalik.

Sa bunga mo kasi makikita ang may mabuting puno.
sunstriker: 11-16-17 05:16 PM
pa subscribe basa lng
salute: 11-18-17 08:24 AM
it's not about the church. Is about kung paano mo isasapuso ang relasyon mo kay God.

Inaamin ko noong una kung minsan gang ngayon gagawa din naten na di makapag focus God.
Natzjaps: 11-19-17 11:06 AM
Dami criticism sa thread h. Hehe..

Anyways, in my own understanding. It tells us Christian not to look at others if you want to grow in Christ. But look at HIM(God) instead..

its not about tithes and offerings but its about how you want to grow in Christ.

giving tithes and offerings is just one of the result of your spiritual growth in Christ. there are others like love, patience, etc.

the important matters of this story how you focus in your spiritual growth.

Is your spiritual growth depended in the life of others or in Christ alone?

 Romans 12:21 NIV
Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.
Ekiz55: 11-19-17 01:44 PM
Tama desisyon nung babae umalis na sya sa church na yan kasi ang daming lalang ng diablo...may church naman na walang ganyan eh..pede ka ba magsimba na may dalang baso at iikot ikot ka sa church para lang di mo mapansin ang lalang ng diablo... nakuha ko ang point ng kwento..kaso paano ka makaka fucos sa Dios kung mga katabi mo lalang ng diablo..
James307: 11-22-17 06:05 PM
Sige lang guys copy lang at share. Hayaan lang nating umatake ang mga kulto kasi yan naman trabaho ng kaaway.

visit www.thebereans.net to see religious cults profile.

Makikita natin yung mga mali at twisted na aral nila.

WALANG PERPEKTONG SIMBAHAN ARALIN NATIN YUNG JUSTIFICATION AT SANCTIFICATION.

YUNG PAGKAKALOOB GINAGAWA ITO NG MGA MANANAMPALATAYA PARA SUPORTAHAN ANG SIMBAHAN AT MISYON... TANDAAN NATIN NA ANG BABAENG BALO NA TINUKOY NI HESUS AY NAGKALOOB NG LAHAT NG KANYA SA TEMPLO AT ANG UNANG IGLESIA NA NAGKALOOB KAY PABLO AT SA GAWAIN KAHIT SILA AY MAHIRAP.
Pages: [1] 2 3
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.104