Pinoyden.com Center > Introduce yourself
Truth about me
(1/1)
James307: 04-29-10 02:12 PM
The Truth about me
(James307)

?They said na tahimik daw akong tao, seryoso in person, mapag- isa, pero mabait at open- minded, a stranger on my journey on earth and maybe weird in the eyes of many because of being a Christian to respect people and be matured enough to face the everything even in the future.)

I am just a simple man with a simple life and dreams, to be balance in everything? I can say many good things about me or something that I want to say? but the truth is, ang pagkatao at anong katotohanang meron ako, katulad ng maraming tao sa mundo na may kanya- kanyang istorya sa buhay at pananaw na sinasaligan, I don?t want to talk all about religion, I just want to be fair and to be true? about me and anything? though I can say na 70% ng life ko ay malaking naging contribution ng Church sa akin, but I am independent, my faith, my decision, Oo I am a Conservative Christians sa tamang lugar at sitwasyon.

Ayokong itago ang anuman sa inyo at ayoko ring maging hypocrite tulad ng ibang tao, gusto ko lang ay makapaglingkod sa Diyos at sa aking minamahal ng bayang pilipinas, mahal ko ang aking kapwa kahit marami sa akin ay di nagmamahal at walang pakialam, gusto kong ibigay lahat ng makakaya ko na walang hinihintay na kapalit, ang karunungan at lakas ko at maging buhay ay ibibigay, na sa aking kabataan ngayon, na maraming tukso , and how many times I fall, nasaktan, at nabigo pero I stand because of my faith in Him, and I am just sticking to positive side of life, na maging magandang halimbawa sa iba.

I thank God for my family, friends at lahat- lahat, sa totoo lang, I am also like you may kahinahaan at hindi perpekto dahil walang perpekto, I?ll try to be a good student and to understand life kasi tatanda at lilipas din ako and what matter most is today! Kung anong sinasabi at ginagawa ko. Will I believe in destiny or God?s will? Sa lahat ng tagumpay at opportunity na nasayang? sometimes we must think kung bakit tayo ay hindi nagbabago o sumusulong ay dahil hindi naman tayo kumikilos o tumatayo sa tama? halos maraming tao ay nagpapayabangan o kaya naman umasa sa bagay na maibibigay ng sanlibutan.

Na kung bakit hindi nila kilala ang manlilikha, tagapagligtas at ang Kanyang Salita sa mga iba?t ibang tao na pinangangaralan ko na hindi lahat tumatanggap nito at maging sa paligid ko ay dahil maraming tao sa panahong ito ay mas gustong maniwala sa kung ano ano, at ayokong mabito sa katapusan ng lahat ng to.

Masaya at kuntento na ko sa buhay ko at mahal ko ang aking mga kaaway mahirap gawin pero totoo, ?When you learn to forgive, you learn from the mistakes ?? Ito ako at anung nasa puso ko ay aking sinasalita ngayon, maaring maraming tao jan baliwalain ito pero nagpapasalamat ako dahil alam Niya na may mga taong tulad mong nakakaunawa sa akin, ibang- iba na nga ang panahon ngayon at mabilis na lahat, di ako alam kung anong mangyayari bukas pero I hope and believe, He knows what will happen next, kahit anong mangyari si Hesus ay nasa puso ko ang aking Panginoon at Tagapagligtas na tumubos sa kasalanan ng tao, na siya ay mananatili sa akin at ako ay sa kanya...

Totoo na di ko kayang I solve lahat ng problema ng mundong ito but atleast I did my best part and doing it continually sa best ko sa makakaya ko.

Di ko sinasabing perpekto na ako, nagkakamali pa rin ako but will I stand on that situation? At magwawalang bahala na lang? kaya nga nag- aaral ako patuloy sa buhay na ito para matuto at magka experience na pursigido akong baguhin ang mga mali sa akin at abutin ang para talaga sa akin, pero iisipin ko ba na ganun nalang talaga ang mundo at ang tao? Na ganun na talaga ang lahat? I know God has a good and perfect plan for all of us, mabuti Siya at dahil mahal Niya tayo ay binigyan Niya tayo ng free will na ang tao ay makapili at malaya sa lahat ng bagay, subalit alam ko rin na may dahilan ang lahat kung ang tao man ay magkamali at naging ganun ang buhay Niya, alam ko lahat ay naayon sa proseso at kasaysayan kasi yun na yun, lahat ng nangyari noon at ngayon ay naayon pa rin sa desisyon na sinusunod natin kung tama ito o mali, Hindi Siya nagkulang sa atin na tayo ang nagkulang sa Kanya at kung pinapalo o pinaparusahan tayo ay dahil matuwid Siya.

Kaya sana wag nating sayangin ang panahon at oras at mga pagkakataon, minsan lang tayo mabubuhay at maiksi lang ang buhay na lahat ng tao na di sumampalataya ay hahatulan ayon sa Kanyang gawa at lahat ng tumanggap kay Kristo ay uuwi ng langit magpakailanman and that is true na kailangan malaman ng mga tao, ?Kaya anak wag mong pakinggan ang mga bulaang mangangaral at maling doktrina dahil ayaw ng Ama na ikaw ay mapahamak, don?t confuse yourself kasi si satanas nais niyang sirain ang buhay mo sa at sa pamamgitan ng layaw at makasanlibutang gawa nais niyang mapasama ka sa kanya sa impyerno dahil sa kasalanan kaya mag- ingat??

Sa aking mga kapatid sa pananampalataya ay magpatuloy nawa sa paglilingkod sa Diyos at sa Katotohanan sa pangangaral at sa aking kapwa pinoy at mga ofw ay maging mabuti sa lahat at tumayo sa tama o sa katwiran, alam ko marami pang mangyayari pero tuloy lang ang buhay umaraw man o umulan, tayo sa pagbabasa ng Bibliya- na Kanyang Banal na Salita, sa taimtim na pananalangin, mga buhay na pananampalataya, at pagsasakripisyo ng lahat lahat, na alam ko Siyang gagantimpala sa mga tapat at magliligtas sa aking Bayang Pilipinas. Amen!

?Purihin ka ng iyong mga likha sa langit at lupa, maganap ang iyong mga Salita, maghari ka nawa at ikaw na Siyang bahal sa lahat lahat, Amen.

-James Gutierrez
(The Baptist)

(Siya nga po pala if God?s will this year ay matuloy kami patungong US (In Las Vegas) dahil sa family petitions for more than 20 years dumating na rin sa wakas, inaayos na po namin ang mga papers at I hope kung anong kalooban ni Lord ay siyang dalangin ko? kung saan ako maglilingkod at matupad ko rin ang mga pangarap ko? makaalis man ako o hindi masaya pa rin ako? sana isipin natin na tayo ay Kanyang sinusubok? believe it or not ay napatunayan ko na totoo ang Kanyang mga pangako.)

THANK YOU AND GOD BLESS YOU ALL PO!

childishana: 04-29-10 04:23 PM
whew, haba po ah. ehe. anyways po dito sa learn, share and enjoy!
cesyseven7: 04-29-10 06:12 PM
po



cengian: 04-29-10 06:48 PM

po!
Share, learn and enjoy here in
Cryptic: 04-29-10 11:30 PM


Wrong board! This is for INTRODUCING YOURSELF thread.. Kindly lock your thread.
James307: 11-19-10 03:07 PM
Thanks guys.

hayaan mo ang mod ang move nito.
Ysmael_: 11-20-10 07:50 AM
sa kapatid enjoy lang at masaya dito at pag nagustuhan mo ang pagwelcome ni dont forget to hit the tnx button hehehe
icecream: 11-21-10 12:48 AM
to dito. Marami ka matutunan

ang haba ah..
noklang: 12-22-17 10:47 AM
Wrong board to., paki lock na lng to or delete tong thread
Pages: [1]
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.094