PC Zone > PC Help & Support
Sa Mga Gusto Makabuo ng Maganda at Murang PC: My Personal TIPS
(1/2) > >>
PDboi4ever: 12-22-08 03:25 PM
Sa mga ka tropa dito na gustong magkarong ng PC na pwedeng pang GAMES pero maliit lang ang budget well may tips ako.

1. Ok lang kahit 2nd hang yung Monitor, Keyboard at Mouse nyo basta ang dapat na maganda at mataas yung SPECS ay yung inyong CPU

2. Kung bibili ng pwesa sa GILMORE na kayo pumunta kasi madami dun bilihan ng PC parts magkakatapat lang yung tindahan at yung mga parts if sa PC Express layo may discount pa kayo..

3. mga 12,000-15,000pesos na budget panalo na PC nyo nun.

4. go with AMD processors kasi mass mura, sa motherboard kahit anung brand ok lang basta may SATA na at PCI-E na yung slot para sa VIDEO Card, DDR2 slot para sa motherboard. yung OS Win XP kasi mas madami compatible na GAMES dito at mas mabilis ito kesa sa VISTA (pero its up to your own preferences pag dating sa OS). 2gig DDR2 memory na yung bilhin nyo

5. Check for the chipset ng motherboard kung for Nvidia or ATI para malaman mo kung anong swak na Video Card yung compatible sa motherboard kasi if yung board mo ay pang Nvidia then nabili mo ay ATI Video Card magkakaron ng beep sound at walang output display sa monitor mo. Kaya better to ask yung nagbibinta ng Parts.

6. kung medyo interesado naman kayo sa mas matitibay at magaganda na MOTHERBOARDs wala sa brand name yan PERO tignan nyo kung SOLID CAPACITORS na ito kasi mas magaganda yung Motherboards na SOLID CAPACITORS.

7. OS po ulit may 32bit na versions ang OS at 64bit version both XP at Vista (pati Linux na OS may 32bit at 64bit versions)... 32bit pwede 4gig memory ihandle pero lalabas sa Properties ng PC nyo ay nasa 3gig lang,... 64bit OS kayang kaya nito 4gig - UP (higher memories na kaya ng motherboards nyo). Pero kasi mas madami pa din programs at games na 32bit ang flatform eh kaya onteng applications pa lang ma iinstall nyo sa PC nyo if 64bit na OS yung gagamitin nyo
ito ilang options ng parts with prices

-ano ba mga parts na kailangan?
1. Monitor = 2nd hand monitor black 17" range from 1,700pesos - 2,000pesos (pero if gusto nyo ng LCD monitor para mas tipid sa kunsumo sa kuryente 4,000-9,000 nyan kaya if talagang tagtipid 2nd hand monitor na lang muna...

2. keyboard, mouse, speaker (generic types) = bawat isa nyan price range 100-300pesos if tag tipid pero if may budget yung mamahalin na. (CR-R King na po kayo bumili para mas Mura)

3. CPU case - 1,000-1,600 yan dipende na sa taste nyo

4. AVR - 270-300pesos po yan

5. PARTS sa LOOB NG CPU CASE:
Processor AMD para mas mura
- Sempron LE1150 (2.0GHz) = 1,550pesos
- Sempron LE1200 (2.1GHz) = 1850pesos
- Athlon 64 LE1620 (2.4GHz) = 2,150pesos
- Athlon 64 LE1640 (2.6GHz) = 2,350pesos
- Athlon 64 X2 4600 Dual Core = 2,900pesos
- Athlon 64 X2 4800 Dual Core = 3,100pesos
- Athlon 64 X2 5000 Dual Core = 3,750pesos
- Athlon 64 X2 5000 Black Edition = 3,850pesos
- Athlon 64 X2 5200 Dual Core = 3,900pesos
- Athlon 64 X2 6000 Dual Core (3.0GHz) = 5,900pesos

MotherBoard:
- RedFox NF61VS = 1,900pesos
- Redfox AMD690G = 2,300pesos
- ECS motherboard range from 2,150 - 3,450pesos (depende sa model)

- para sa akin itong 2 motherboard ng ECS ang tipo ko pareho silang BLACK EDITION at pang GAMING talaga if check nyo sa www.newegg.com makikita nyo SPECS ng boards na ito:
1. ECS A780GM-A (ATI chipset) = 3,250pesos
2. ECS GF8200A (Nvidia chipset) = 3,450pesos

- MSI boards range from = 2,100 - 8,000pesos

Memory:
- DDR2 memory na po bilhin nyo yung 2gig na po

-Transcend or Apacer 2gig PC 667 = 1,830pesos
- Trancend 2gig PC 800 = 1,850pesos
- Kingston or Corsair 2gig PC 667/PC 800 = 2,050pesos

Video CArd:
- 1gig na Video Card na po bilhin nyo DDR2 PCI-E

- Nvidia:
- Inno3D 8500GT 1gig = 2,950pesos (pero nakuha namin to 2,700pesos kasi i set na parts ng PC binili namin sa PC Express yung 512MB naman nito ay 2,500pesos
- Inno3D 8600GT 1gig = 3,850pesos

- para sa gusto ng magagandang looks ng parts ng PC Inno3D i-chill Series astig mga to:
i-Chill 8500GT 512MB = 3,400pesos

- ATI
PC HD3650 1gig = 3,600pesos
PC HD3650 512MB = 3,000pesos

HARD DISK yung 160gig na po and higher bilhin nyo para mas madami kayo mailalagay sa hard drive nyo:

Hitachi po pinaka Mura na Hard disk or MAXTOR
160gig SATA = 2,000pesos
160gig Hitachi IDE = 2,150pesos

250gig na hard disks around 2,500 pesos po yan IDE or SATA na po
320gig = around 3,000 po yan
500gig = nasa 4,000 po yan
1,000gig or 1 terabyte hard disk po 8,000 - 10,000pesos po yan

Optical drives: yung Lightscribe na po na DVD Writers Bilhin nyo para pwede po kayo magdesign sa mismong DVD or CD na i bu-burn nyo BASTA po yung CD or DVD na ibu burn nyo ay pwede din pong lagyan nd design makakabili na po kayo nyan sa CD-R King

1,300 - 1,500 pesos po ito
snikers_143: 12-23-08 05:59 PM
Nice tip bro.. tnx d2
kulangot: 12-23-08 06:27 PM
..informative. Thank you bro.
jR_01: 12-23-08 11:29 PM
Tama. Invest on the cpu. Not on the m0nitor.. Thanks bro!
j_o_s_h_u_a_0_8: 01-05-09 08:09 AM
ayos to pare lalo na sa mga balak mag nag-i-invest ng internet cafe. i hope in later time, maybe after 3 months you could update us with the recent prices. 
vajhoinx: 01-09-09 11:04 PM
wow thanks po! i'm planning to buy a new pc xe!
superben: 01-10-09 06:18 PM
another suggestion for a gaming PC is an nvidia video card na AGP + 4 GB RAM ok na ok na yun.
Juncloudy: 02-25-09 04:11 AM
Thanks..sikat na sikat yang gilm0re na yan ah
WishMaster: 03-07-09 11:05 PM
kung gusto nyo pang games buy amd athlon processor. nvidia geforce na graphics card,mag ddr2 ka na memory, sata ang bilhin mong hdd. di bali pangit monitor mo basta maganda cpu mo. wag kang mag intel mahal yan.
ryan26: 03-07-09 11:14 PM
mahal ang intel pero maganda at matibay naman...
WishMaster: 03-11-09 06:57 PM
Posted by: ryan26 on 03-07-09 11:14 PM
mahal ang intel pero maganda at matibay naman...
bro depende yan sa alaga mo. Maintenance and co0ling system lang kailangan mo tatagal yan.
cris98: 03-12-09 10:48 AM
Tama si kimedillo! Depende na rin sa gumagamit yan.
chixsilog: 03-13-09 09:47 PM
Posted by: kimedillo on 03-11-09 06:57 PM
Posted by: ryan26 on 03-07-09 11:14 PM
mahal ang intel pero maganda at matibay naman...
bro depende yan sa alaga mo. Maintenance and co0ling system lang kailangan mo tatagal yan.
Toink...toink...intel.?hmmm...pangalan lang yan mga tol...kng processor ang pag u2sapan goto amd na..kng performance ang pag u2sapan wala yang intel na yan..hope it help
ryan26: 03-14-09 06:48 PM
bro tested ko na ang intel the best tlg ang perf0rmance,matagal ko nang gamit yan,high speed pa mgprocess ng data,n0t like amd mabagal sya mgprocess.ang masasabi ko lng kung pang data lng s intel kana,then kung pang gaming naman s amd kna,then gamit ka ng ati brand n video card pra match n match sknya..
dj123: 03-15-09 08:48 AM
Breakd0wn m0 nga rec0mended m0..
Kunyari spec  brand/specname
m0b    2k
proc    amd3.5k
etc
total    12k

ganun? Mas ok..
Pages: [1] 2
Back

WEB VERSION CLICK HERE
Home | Search
Page created in 0.202